LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Labinlimang Barangay Health Workers na pawang nagsipagretiro na ang binigyan ng pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos nitong Lunes (May 29).
Pinangunahan ni Mayor Christian D. Natividad ang paggawad ng plake sa mga barangay health workers na nagretiro noong taong 2019-2020.
Kinilala ni Natividad ang mga nagsipagretirong BHW na sina:
Sudario Roberta ng Brgy. Anilao
Casim Apolonia ng Brgy. Bangkal
Boticano Crispina ng Brgy. Bungahan
San Diego Leonora ng Brgy. Matimbo
Carlos Rosemarie ng Brgy. Namayan
Punzalan Juaquina ng Brgy. Panasahan
Delos Santos Angelita ng Brgy. San Juan
Magugat Lourdes ng Brgy. Sto. Cristo
Crisostomo Leticia ng Brgy. Sto. Rosario
Sacdalan Genara ng Brgy. Sto. Rosario
Tumolva Lolita ng Brgy. Sto. Rosario
Santos Leonida ng Brgy. Look 1st
Cañosa Lorna ng Brgy. Santisima Trinidad
Camua Ma. Concepcion ng Brgy. Bulihan
Paraiso Luisa ng Brgy. Taal
Lubos ang pasasalamat ng alkalde sa mga retired BHW sa kanilang walang kapagurang sebisyo sa lungsod.
Dumalo at sumaksi sa naturang pagkilala si Vice Mayor Miguel Bautista, mga konsehales ng lungsod na sina Michael Aquino, Ayee Ople at Niño Bautista. (UnliNews Online)