CALOOCAN CITY — Nasabat ng mga operatiba ang mahigit P25 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay 160, Caloocan City nitong Sabado ng madaling araw (May 27).
Ayon sa ulat ni Major Gen. Adgar Alan O. Okubo, NCRPO regional director, pinuri nito ang mga operatiba ng Caloocan City Police Station, Valenzuela City Police Station, at 3rd Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion sa matagumpay na pagkakakumpiska ng malaking halaga ng nabanggit na pinagbabawal na gamot at pagkakadakip ng dalawang High Value Individuals.
Kinilala ni Okubo ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Edgardo Vargas y Agustin, 42 taong gulang, at si Lenard Buenaventura y Cruz, 20 taong gulang.
“Ang nasabing buy-bust operation ay nagmula sa impormasyong ibinigay ng isang vonfidential informant kaugnay sa iligal na gawain ng mga nasabing suspek,” ani Okubo.
May timbang na humigit kumulang 3,800 grams o tinatayang nagkakahalaga ng P25,840,000.00 ang kabuuan ng hinihinalang shabu.
Ilang din sa mga nasabat sa dalawang suspek ay isang caliber 32 na baril na may kasamang isang live caliber 32 ammo at isang magazine na may lamang apat na live caliber 32 rounds.
Kasalukuyang nakapiit ang dalawang naarestong suspek sa Drug Enforcement Unit ng Caloocan City Police Station habang hinihintay ang pagsasampa ng kaso sa paglabag ng RA9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”. (UnliNews Online)