BABAENG menor de edad na nagtangkang magpatiwakal! Iyan ang idinulog sa atin ng isang Ginang, isang mambabasa ng ating Kolum, na nagbalitang siya ay nilapitan ng isang magulang at nagsumbong na ang anak ay muntik ng bawian ng buhay, sa paglaslas sa pulso nito, mabuti ang tangkang pagpapakamatay ng anak ay agarang naapula.
Ang rason ng tangkang ‘suicide’ ng anak ay dahil sa kabiguan nito sa pagibig, sa isang lalaking nakilala lamang sa ‘internet.’ Lumalabas sa kwento ng Ginang na ang batang babae ay lagiang hawak ng kanyang celpon at laging may ka-chat. Ilang araw na naging malulungkutin at waring wala lagi sa sarili, at hindi na makapag-‘concentrate’ sa pag-aaral.
Tsk! Tsk! Tsk! Meron din ganyang problema ng pagpapatiwakal, ng isang babaeng mag-aaral na agad din namang napigil ng kanyang titser. Nakita ang batang babae sa loob ng ‘Ladies room’ na duguan ang pulso nito.
Ang sanhi ay walang panahon sa bata ang kanyang mga magulang. Laging abala ang ‘parents’ nito sa pagtatrabaho at pagkita ng pera.
Alalahanin natin na kailangan nating mga magulang na nakikibahagi sa mga aktibidad nang magkasama ang ating mga anak, sapagkat ito ay bumubuo ng isang positibong pakiramdam ng pagpapahalaga sa sarili. nadarama ng mga bata na pinahahalagahan sila ng kanilang mga magulang, at pinapataas nito ang pagiging positibo at pagpapahalaga sa sarili. Yapusin natin ang ating mga anak ng may pagmamahal at pagpapahalaga kaysa sa pera. Paglaanan natin sila ng panahon.
At dapat lamang na bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak habang gumagamit ng ‘internet’ lalo at ito’y mga menor de edad. Kailangan na subaybayan ang kanilang anak dahil ang ‘internet’ ay puno ng hindi na-‘filter’ na potensyal para sa mga bata na malantad sa mga hindi kaaaya-ayang gawi, nakapipinsalang pakikipag-ugnayan tulad ng pananakot at panliligalig, pati na rin ang hindi naaangkop na nilalaman sa pakikipag-tsat.
Pasasalamat sa isang security guard
Mga sikyu ng ShoeMart, Marilao, Bulacan, ay magagalang at handa silang gumabay at tumulong. Sa karanasan ng Katropa, linggo ng hapon ay wala ng maparadahan ang lahat ng may sasakyan, dahil sa dami ng namimiling may kotse. Isang security guard ang nagbigay sa atin ng panahon na humanap ng mapaparadahan ng ating sasakyan.
Tsk! Tsk! Tsk! Siya si J. Gumaro, Security guard ng VICAN Security Agency, na naka-assign sa naturang pamilihan. May respeto sa kapwa-tao at matulungin. Mabuhay ka J. Gumaro, nawa ay dumami pa ang isang tulad mo. (UnliNews Online)