LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng City Training and Cooperative Office (CTECO), Department of Labor and Employment Region III (DOLE) at ng tanggapan ni Sen Joel Villanueva, 350 benepisyaryo sa nasabing lungsod ang tumanggap ng livelihood cash assistance noong Huwebes (June 1).
Ito ay sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) Program.
Tumanggap ng halagang P4,600 ang 350 Tupad beneficiaries bilang sweldo sa 10 araw na pagtulong ng mga ito sa paglilinis ng kapaligiran ng lungsod.
Ayon kay Political Officer Christ Sarmiento, isinusulong ni Sen. Villanueva na maging batas ang TUPAD at kung maaaring gawin na 90 days o 3 buwan ang itatagal ng durasyon ng programa gayon din na maitaas ang budget para lalong makatulong sa mga kababayang disadvantaged/displaced workers, underemployed at seasonal workers.
Lubos din ang pasasalamat ni City of Malolos Local Youth Development Officer Bryan Santiago kay Sen. Villanueva sa paglalaan ng pondo para maging matagumpay ang programang TUPAD gayun din na pagtulong sa mga benepisyaryong manggagawang malolenyo.
Taos-pusong nagpapasalamat ang mga benepisyaryo kay Sen. Villanueva sa pagbibigay oportunidad sa kanila na mapabilang bilang benepisyaryo sa programa ng TUPAD at ng paglalagay ng pondo para rito.
Dumalo at nakiisa sina Melani Nario, Focal Person TUPAD ng DOLE Provincial Office Region III, CTECO Division Chief Marianne Mendoza at ilang kawani ng CTECO. (UnliNews Online)