LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nasa estado ng malalim na kawalan ng malay para sa isang matagal o hindi tiyak na panahon ang isang rider matapos sumabog ang dalang cellphone habang nasa biyahe sa City of San Jose del Monte kamakailan.
Sa larawang ibinahagi ni Sharwen Ching Tai, makikita ang rider na nakahandusay sa kalsada at may paso sa tiyan, habang nasa gilid niya ang sunog na cellphone.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, sumalpok pa sa umano poste ang rider bago ito mawalan ng ulirat. Wasak ang motorsiklo at basag ang helmet ng biktima na kritikal ang kondisyon ngayon.
Ayon sa isang beteranong electrical engineer, posibleng pinasukan ng pawis ang cellphone kaya ito sumabog.
Payo naman ng mga eksperto, ilagay sa belt bag o anumang lalagyan ang cellphone kapag bumibyahe.
Photo courtesy: Sharwen Ching Tai