LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Inilunsad ang kauna-unahang Mayor Christian D. Natividad Inter-barangay Softball Tournament noong Sabado (June 3).
Pinangunahan ni Mayor Natividad ang naturang softball tournament katuwang si City Mayor’s Office-Sports Division Head Toti Villanueva.
May kabuoang 6 n barangay ang lumahok sa naturang torneo. Ito ay ang Caingin, Bulihan, Balite, Balayog, Panasahan at Santor.
Sa mensahe ni Mayor Christian, patuloy siyang susuporta at makikiisa sa mga ganitong gawain, sapagkat aniya mahalaga ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan lalo na sa panahon na wala pang kasiguruhan kung kailan tuluyang matatapos ang pandemya.
Dumalo sa naturang programa sina dating CDRRMO Chief Cesar Caluag at mga kapitan ng mga barangay na nagsilahok.
Sa naging paguusap, inuutos ni Mayor Christian na hanapin na kung sino ang nagmamayari ng lupang pinaglalaruan upang malaman kung kailangang bilihin ang naturang lupa upang ng sa ganun, magtuloy-tuloy na ang paglalaro at hindi na maantala ang mga susunod pang torneo.
Samantala, nag-iwan ng P5,000 ang alkalde sa bawat barangay na lumahok upang makatulong ito sa pagpapagawa ng nga uniporme. (UnliNews Online)