Sunday, December 15, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionMarami pa rin ang hindi nasisilaw sa kinang ng bawal na droga

Marami pa rin ang hindi nasisilaw sa kinang ng bawal na droga

MAGANDANG balita na ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay nagawaran ng plake ng pagpapahalaga. Mismong si Bulacan Governor Daniel Fernando, ang nag-abot ng plake, na ginanap sa Capitol Gymnasium, nakaraang ilang araw.

Batay sa ulat, ang CIDG na pinangunahan ni P/Major Dan August C. Magsakay, ay nakaaresto ng mga lumabag sa mga Batas Pangkalikasan sa Lalawigan ng Bulacan, sa kanilang isinagawang Anti-illegal Quarrying Operation, sa Brgy Casalat, San Ildefonso, sa naturang lalawigan.

Tsk! Tsk! Tsk! Ang CIDG, ang isa sa katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa pagsugpo ng mga ganitong ilegal na aktibidades. Mabuti ang mga ganitong balita, kaysa sa mga napapanood ng madla sa Social Media, na ilang mga Pulis ay nadidiin sa kasong bawal na gamot sa Kongreso sa kasalukuyan, dahil tila kasapakat o waring kasangkot ang ilan sa kanila, kung may katotohanan nga! Na ngayon ay patuloy na inuusisa o tinatanong sa mataas at mababang kapulungan. Itong matitinong pulis ay nadadamay tuloy sa mga pinagagawa ng mga ilegalistang naka-uniporme, kung mayroon man.

Itong ginawa ng CIDG ay magandang halimbawa na maibsan ang kaisipan ng balana, na hindi lahat ng pulis ay masama. Kung may ilang bugok, ay mas marami pa rin ang matitino na hindi nasisilaw sa kinang ng salapi na dulot ng bawal na droga, Kailangang magkaisa na ang mga matitinong Alagad ng Batas laban sa mga ‘scalawags.’

Dapat rin na mag-‘concentrate’ ang ating mga awtoridad laban sa kriminalidad, tulad ng pagtugis sa mga ilegalista, sa patuloy na paglalagay ng mga ‘Check point’ at ‘implement’ ang paghuli sa mga lumalabag sa batas. Bawasan na ang tulad ng pagsali sa mga paligsahan, medical mission, tree planting at iba pang gawaing walang kinalaman sa pagsugpo ng krimen.

Kailangan din na magkaroon ng ‘overhauling’ sa hanay ng ating mga Alagad ng Batas. Kapag ang isang Hepe ng Pulisya ay naalis sa puwesto sa isang bayan, dahil sa naitalagang panahon o termino ng kanyang tungkulin, nararapat lamang na alisin na rin ang lahat ng kanyang nasasakupan, at palitan na ng mga bago. Iyan ay upang ang anumang sistema ay mahalinhan at mabago. Kapag walang pagbabago, andyan pa rin ang latak ng lumang kalakaran.

Tandaan na ang tunay na pulis ay silang sumasapuso at sumasaisip sa kanilang sinumpaang tungkulin sa bayan, at sila ang mga nagpapahalaga sa kanilang suot na uniporme, may dangal. Maligayang bati sa pamunuan ng CIDG, ganoon na rin sa patuloy na suporta ni Governor Daniel Fernando, sa Anti-illegal Quarrying Operation sa kanyang lalawigan. Hanggang sa muli! (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments