Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsVespa riders, nakilahok sa ‘Kasarinlan Ride 2023’

Vespa riders, nakilahok sa ‘Kasarinlan Ride 2023’

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Bilang bahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, isinagawa ng mga Vespa riders ang “Kasarinlan Ride 2023” kung saan nagtipon-tipon ang mga rider na nagmamay-ari ng Vespa motorcycle at umikot sa pangunahing lansangan ng lungsod nu’ng Sabado (June 10).

Sa pakikipagtulungan ni Mayor Christian D. Natividad at Richan Matining, pangulo ng Vespa Bulacan, isinagawa ang Kasarinlan Ride bilang bahagi ng pagdiriwang ng nalalapit na Araw ng Kalayaan.

Ipinahayag nila na dahil sa kanilang parehong pagkahilig sa motorsiklo ay naisipan nilang gawing espesyal ang selebrasyon.

Ang Kasarinlan Ride ay naglalayon na maipabatid sa ating mga kababayan na ang tunay na kahalagahan ng pagiging malayang Pilipino.

“Sana po sa pamamagitan niyo (Vespa riders) ay maipaalala natin na kung ano mang kalayaan ang meron tayo ngayon ay ipagdiwang natin sa darating na Lunes at maging bahagi ito ng pang araw-araw nating gawain,” Mensahe ni Mayor Natividad.

Nagsimula ang Vespa Ride sa Tikay, patungo sa Barasoain Church at Pariancillio Sto Niño. Ang motorcade ay nagtapos sa Bagong City Hall ng Malolos, kung saan nagkaroon ng mga programa at aktibidad gaya ng Breakfast Ride, upang ipagdiwang ang nalalapit na Araw ng Kalayaan.

Sa kauna-unahang Kasarinlan Ride 2023, umabot sa humigit-kumulang tatlong daang Vespa riders ang nagtipon-tipon. Ang mga riders na ito ay pormal na nakasuot ng Barong Tagalog bilang pagsasaad ng kanilang pagmamalaki at pag-alala sa kasaysayan ng ating bansa.

Ang Kasarinlan Ride ay gagawing taunang selebrasyon kaakibat sa paggunita ng Araw ng Kalayaan. Ito ay isang paraan upang magpatuloy ang pagpapahalaga sa ating kasaysayan bilang Pilipino at isapuso ang diwa ng kalayaan na ipinaglaban ng ating mga bayani.

Sa pamamagitan ng Kasarinlan Ride 2023, nais ng mga riders na ipakita ang kanilang pagmamalasakit sa ating bansa at magbigay-inspirasyon sa iba na makiisa at ipagdiwang ang kalayaan na ating tinatamasa ngayon.

Sa pamamagitan ng pagmomotor at pagpapakita ng kanilang pagkakaisa, inaasahang magiging matagumpay ang Kasarinlan Ride at patuloy na magsisilbing paalala sa atin ng kahalagahan ng ating kalayaan.

Dumalo at nakiisa sa selebrasyon sina Chief of Staff Ferdie Durupa, City Administrator Joel Eugenio, Konsehal Kiko Castro, Konsehal Mikki Soto, Amiel Cruz ng City Environment and Natural Resources Office at City Mayor’s Office-Sports Division Head Toti Villanueva. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments