Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsHiling ng US at reaksyon sa kalagayan ng mga ‘Afghan Refugees'

Hiling ng US at reaksyon sa kalagayan ng mga ‘Afghan Refugees’

BUMULAGA ang balitang humiling ang US government sa Pilipinas na magpaunlak ng hindi pa tiyak na bilang ng mga dayuhang Afghan, na makapasok at pansamantalang payagang manatili sa Pilipinas. Ito ay batay sa pagsasalita sa harap ng pampublikong pagdinig ng Senate Committee on Foreign Affairs na pinamumunuan ni Sen. Maria Imelda Josefa “Imee” Marcos, kinumpirma ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez.

Marami ang nag-react dito na bakit sa Pilipinas pa inilapit ito ng US? Wala ba silang makitang lugar na hindi over-populated na bansa tulad ng Pilipinas? Napag-alaman na ito palang mga magdarayong Afghans ay nagtrabaho sa US government habang sila ay nasa Afghanistan. Batay sa ulat may 1,000 hanggang 1,500 Afghans bawat batch ang papayagang makapasok sa Pilipinas kapag pumayag ang gobyerno sa kahilingan mula sa gobyerno ng United States, na gamitin ang bansa bilang ‘processing site’ para sa kanila bago sila tuluyang maiuwi sa US.

Ayon kay G. Diego Gabiano, isang tagasubaybay ng Katropa News Online, hindi siya pumapayag na kupkopin pa ng Pilipinas ang mga Afghans refugees. “Marami na tayong problema sa ating bansa, hinggil sa kung paano mabibigyan ng mga trabaho ang kapwa nating Pilipino. At higit ang seguridad na ating laging inaalala.”

Ayon naman sa isa pang napagtanungan, ang mga magdarayo sa kanilang bansang pinagmulan ay may tatak na manghihimagsik, na posibleng maging banta sa ating tinatamasang katiwasayan at kaayusan sa kasalukuyan.

Tsk! Tsk! Tsk! Alamin natin kung saan nagmula ang mga Afghan? Batay sa tala, ang mga Afghan ay nagmula sa iba’t ibang etnikong pinagmulan. Ang mga Pashtun ay bumubuo ng isang mayorya ng populasyon, habang ang mga Tajik, Hazara at Uzbek ay ang susunod na pinakamalaki at sa kabuuan ay apat ang bumubuo sa halos 60% ng populasyon. Ang mga ito ay may magkakaibang pinagmulan kabilang ang mga ugat ng etnolinggwistiko ng Iranian, Turkic at Mongol.

Sa ating nakakalap na balita, sagot ng US ang gastusin sa mga Refugees. Ang pagbigay ba ng suportang salapi ng US ay ‘lump sum?’ Alalahanin na habang nasa tangkilik ng Pilipinas ang mga dayo, ang epekto nito sa mga ‘urban’ na lugar, ang pagdagsa ng mga refugees ay maaaring magdulot ng mas mataas na gastos para sa parehong mga ‘refugees at host community,’ humantong sa kakulangan sa tubig at kuryente, pagsisikip ng mga serbisyo tulad ng kalusugan at edukasyon, pagtaas ng trapiko at polusyon, at kompetisyon para sa mga trabaho at pabahay.

Sa isang banda, batay sa ulat. Ang mga benepisyo sa pagkakaroon ng mga refugees, ay pagyamanin ang kanilang Kultura , at hindi guluhin ang kultura ng kanilang ‘host country.’ Maaaring magdala sila ng iba’t ibang mga gawi, sa uri ng pagkain, at kakaibang relihiyon, kahit na may mga pagkakaiba sa pagitan ng bawat kultura. Samakatuwid kung itong mga dayuhan ay may mga kasanayan na maiaambag sa pagpapaunlad ng ‘human capital’ ng mga bansang tumatanggap. Ang kanilang kaalaman sa pagpapaunlad ng teknolohiya, anumang kaalaman, kasanayan, at kalusugan, anumang potensyal meron sila, bilang produktibong miyembro na ng lipunan ay magagamit.

Ayon sa isang mambabatas, ang Pilipinas, bilang isang mahabaging bansa na may mga taong nagmamalasakit, ay palaging tatanggap ng mga refugee para sa makataong mga kadahilanan.

Basta ba alertong lagi ang sambayanan at ang ating mga awtoridad sa kilos at gawi ng mga dayuhan, ay masarap ang tumulong. Hanggang sa muli. (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments