Tuesday, December 17, 2024
Amana Water Park
HomeNational News4 na bata minasaker ng BF ng ina sa Cavite

4 na bata minasaker ng BF ng ina sa Cavite

TRECE MARTIREZ CITY, Cavite — Apat na mga bata ang walang awang pinagsasaksak hanggang sa mamatay ng boyfriend ng kanilang ina sa nabanggit na lungsod nung Huwebes (March 9). Sinaksak din ng suspek ang sarili at namatay sa ospital.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, natagpuan ang duguan at wala nang buhay na mga katawan ng mga biktima sa kanilang mga silid.

Kinilala ang magkakapatid na sina Maria, 14; Bianca, 10; Joy, 8; at Conrad, 6 – pawang residente ng Bgy. Cabuco, Trece Martirez. Nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga bata at agad silang namatay.

Kinilala naman ang suspek na stepfather ng mga biktima na si Felimon Galisangga Escalona, 38-anyos na tricycle driver na residente rin ng nasabing lugar at nakatira sa ina ng mga biktima.

Sa nasabing ulat mula kay Police Lt. Colonel Jonathan Aznan, hepe ng pulisya sa lungsod na ito, bandang alas-12:35 ng tanghali, nakatanggap ng tawag ang Trece Martires Police mula sa mga opisyal ng barangay ng Cabuco hinggil sa umano’y kaguluhan sa bahay ng mga biktima.

Nang dumating ang mga pulis sa Summer Homes sa Bgy. Cabuco sa naturang lungsod, naka-lock ang gate ng bahay. Kinailangan nilang gumamit ng bolt cutter para buksan ito.

Pagpasok ng mga pulis sa bahay ay agad na sinugod sila ng suspek na duguan at may tama ng saksak sa dibdib.

Pagpasok sa silid ng magkakapatid, nakita ng mga pulis ang duguang katawan ng mga biktima na pawang may mga saksak sa ibat ibang parte ng katawan.

Nabatid sa mga kapitbahay ng mga biktima na nakarinig sila ng sigawan at hiyawan sa nasabing bahay kaya humingi sila ng tulong sa mga opisyal ng barangay at sa mga pulis.

Sinabi ng pulisya na ang ina ng magkapatid ay isang overseas Filipino worker sa Saudi Arabia at mahigit isang buwan pa lang umano ang relasyon nito sa suspek. ( Unlinews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments