Tuesday, February 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan media practitioners, sumailalim sa journalism seminar

Bulacan media practitioners, sumailalim sa journalism seminar

LUNGSOD NG MALOLOS — Ilang piling reporters, editors at bloggers na nakabase sa Bulacan ang mas pinahusay at pinalawak ang kanilang mga kasanayan sa pamamahayag mula sa isang buong araw na journalism seminar na “ED Talks,” isang serye ng pagsasanay sa pamamahayag para sa mga regional media na ginanap noong Martes (June 27) sa Casa Remedios sa nasabing lungsod.

Ang seminar na ED Talks na tinawag na “Becoming New Media” ay itinaguyod ng San Miguel Corporation at inorganisa ni Nathaniel Barreto, desk editor ng The Philippine STAR, sa suporta ni Jon Hernandez, isang dating sports writer at kasalukuyang media relation officer ng SMC .

Apat na beteranong mamamahayag sa pamumuno ni Tony Lopez ng BizNews Asia; Ces Dimalanta, may-ari-Blogger ng Manila Millenial; Atty. Marcelino G. Veloso, CEO, Aptitude at Janvic Mateo, senior writer, Phil. STAR ang mga naging pangunahing tagapagsalita.

Inilahad ng mga ito and tungkol sa mga kalamangan at kahinaan ng mga digital media influencer, kung paano kumita ng pera sa social media, community journalism, at paglaban sa disinformation, at kung paano ang isang mamamahayag ay makakagawa ng sarili nilang brand para gumawa ng sarili nilang marka sa media.

Sinabi ng isa sa mga kalahok na si Verna Santos Ching ng Bulacan Express sa UnliNews Online na napapanahon ang mga ganitong seminar dahil kamakailan lamang ay isiniwalat ng isang tabloid at social media news writer ang kanyang nai-record na pakikipag-usap sa telepono sa isang mataas na opisyal ng probinsiya na binanggit na huwag sumama sa isang media group na binubuo lamang ng ilang lehitimong personalidad sa media bagkus duon sa mgatinatwag na legit media workers.

“Malaki ang maitutulong ng mga ganitong seminar o pagsasanay at makadadagdag ito sa aming kaalaman sa mga tulad naming community writer,” ani Ching.

Sa kabilang banda, lubos naman ang pasasalamat ni Jenny Raymundo, dating pangulo ng Bulacan Press Club at kolumnista ng lingguhang pahayagan na MABUHAY sa mga nag-organisa ng ganitong klaseng seminar sa pamamahayag lalo na sa panahon ngayon na ang social media ang pangunahing sentro ng impormasyon ng mga balita.

Unang nagsalita si Dimalanta, isang blogger at nagbahagi ito tungkol sa mga isyung kinakaharap ng mga aspiring media influencers at ang tamang content para sa gagawing video nito habang si Atty. Veloso ay ipinaliwanag kung paano gumagana at kumikita ang mga makabagong mamamahayag gamit ang social media.

“Dapat maging aware tayo sa mga bagong applications na inilalabas ng Google at iba at pag-aralan natin kung paano ito makatutulong sa ating trabaho,” dagdag pa ni Veloso.

Isa sa mga posibleng makatuwang ng mga mamamhayag ayon kay Atty. Veloso ay ang paggamit ng artificial intelligence Chat GPT (generative pre-trained transformer) makakatulong ito na maiwasan ang plagiarism at mai-edit ang isang balita upang umangkop sa opinyon ng manunulat.

Dagdag pa nito na ang nasabing seminar ay magbibigay sa Bulacan-based news correspondent, social media influencers, estudyante, at blogger ng mga pagkakataon kung paano samantalahin ang social media at kung paano kumita mula dito, at kung paano matukoy ang mga pekeng balita,

Naging pahayag naman ni Mateo sa naturang seminar bilang isang senior writer ng isang broadsheet ay nakakuha ng kuryosidad ng marami sa mga kalahok habang ipinaliwanag niya kung paano matukoy at maiwasan ang disinformation, ang code ng mamamahayag sa plagiarism, at ipinaliwanag din nito kung ano ang tungkol sa community journalism.

Ang mga isyu sa sa plagiarism, fake news, at disinformation ay idinulog ng mga kalahok kay Mateo na nagpaliwanag ng mga posibleng solusyon kung paano maiiwasan ang mga ito.

Habang tinalakay naman ng beteranong si Tony Lopez kung paano makakagawa ng sariling tatak ang isang mamamahayag o social media influencer at makagawa ng marka sa industriya ng media.

Binigyang-diin din nito sa mga kalahok na tumutok lamang umano sa tatlong titik ng alpabeto para maging isang mahusay na mamamahayag — ang RWC para sa Read, na sinundan ng Write at ang maging Competent at Credible sa pinasok na propesyon.

Ang Ed Talks na suportado ng San Miguel Corporation ay umiikot sa iba’t ibang probinsiya para linangin ang mga regional media. Ito na ang pangatlong seminar na isinagawa sa lalawigan ng Bulacan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments