Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsInilunsad na ‘Love the Philippines’ senyales ng kaunlaran sa turismo

Inilunsad na ‘Love the Philippines’ senyales ng kaunlaran sa turismo

‘LOVE the Philippines’ bagong kampanya sa panlalakbay, na ipinakikilala ng Kagawaran ng Turismo, na naglalayong isulong ang bansa at ang mga handog nito sa turismo na lampas pa sa madaramang kasayahan ng tao? Wow! Galing naman.

Batay sa ating kaalaman, ang turismo ay palalakasin hindi lamang sa buong bansa kundi maging sa buong Asya, kaalinsabay ang paglulunsad ng Pilipinas sa ‘Love the Philippines,’ kampanya ng turismo.

Ang paglulunsad ng bagong campaign slogan ay pinagunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Department of Tourism (DoT) sa Manila Hotel, kamakailan.

’Ika nga ni Marcos Jr., na isinatagalog natin, “nagmumula ito sa tunay na pagmamahal, ako at tayong lahat para sa mga Pilipino. At ano pa bang mas magandang paraan upang maipahayag ang pagmamahal na iyon kaysa direktang isama ito sa pinakabagong slogan ng kampanya sa turismo ng ating bansa, Mahalin ang Pilipinas, Ito ay bagong branding na ini-unveiled natin ngayon. Ito ay magsisilbing guidepost natin para sa Philippine Tourism Industry na sumusulong, Kasama sa listahan ng mga target ay upang i-promote ang mga produkto ng rehiyon, bumuo ng mas maraming infra para sa kadalian ng paglalakbay, at ‘champion green movements, amongst others,’ bukod sa iba pa.”

Sinabi pa ni Marcos na ang mga planong ito ay inilatag nang detalyado sa National Tourism Development Plan para sa 2023-2028, na naaprubahan noong Mayo.

Tsk! Tsk!Tsk! Magandang slogan na tiyak na mamahaling ng bawat Pilipino at ng ibang bansa. Tiyak na kapag ito ay nagtagumpay, asahan ang kaunlaran ng bansa.

Pasalamatan natin si Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at ang DoT sa pagkonsepto ng bagong slogan, na ayon pa sa Pangulong Marcos Jr., , ay hindi lamang pagtataguyod ng Pilipinas bilang destinasyon ng mga turista, kundi pagpapaganda rin ng kabuuang karanasan ng bawat manlalakbay. Mabuhay ang Turismo sa Pilipinas!


Mabaling tayo sa mainit na pinaguusapan ngayon, ang tungkol sa ilang libong mga Afghans Refugees, na nais ng US na sa ating bansa pansamantalang mamalagi, at papasanin daw ng US ang gastusin ng mga ito?

Tsk! Tsk! Tsk! Naisulat na natin na masarap talagang makatulong, subalit batay sa opinyon ng ating mga nakasasalamuha ay narito ang kanilang mga agam-agam, na ang mga dayuhan ay posibleng maging espiya o tiktik ng Amerika sa ating bansa. At bakit nga ba sa Pilipinas?

Heto pa, ang ibibigay na salaping panggastos ng US para sa mga dayuhan Afghans ay baka mapasakamay pa ng tiwali, kung mayroon man. Hmmm, bantayan! Mga haka-haka, kuro-kuro at pala-palagay. Hanggang sa muli. (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments