GUIGUINTO, Bulacan — Kaalinsabay ng pagdiriwang ng buong mundo ng Pride Month ay bnigyan ng pagpapahalaga at parangal ng Bayan ng Guiguinto ang LGBTQ sa ilalim ng programang ” Project Bahaghari” na ginanap noong ika-29 ng Hunyo 2023 sa bakuran ng bahay pamahalaan sa nabanggit na bayan.
Ang kauna-unahang Project Bahaghari ay nagkaroon ng kompetisyon ” Reyna ng Bahaghari” 2023 na nilahukan ng 14 na barangay. Mapalad na nagwagi at pinutungan ng korona bilang Reyna ng Bahaghari si Georgette Cruz mula sa Barangay Sta. Rita.
Ayon kay Mayor Atty. Agatha Paula ” Agay” Cruz ang nasabing programa ay kanyang inilunsad upang magkaroon ng karapatan at pagkakapantay- pantay ang bawat isang mamayang guiguintenyo ano man ang kasarinlan nito.
Sinabi ni Mayor Agay na may hinahain ng panukalang Gender Fairness, Equality and Development o Anti- Discrimination Ordinance sa Sangguniang Bayan na pinsmumunuan ni Vice Mayor Banjo Estrella at masugid ang kanyang pakikipag ugnayan sa mga taga konseho para sa agarang pagpasa at pagpapatupad.
Nakasaad din sa ordinansa ang taunang araw o pagdiriwang ng ” Project Bahaghari” sa huling linggo ng Hunyo upang parangalan at kilalanin ang mga LGBTQ+ at mapaalalahanan ang mga taga- Guiguinto na kailangangang igalang ang karapatan ngmga miyembro ng nasabing sektor at kabilang ang mga bata at mga kababaihan.
Dumalo sa nasabing pagdiriwang si Kinatawan Ambrosio ” Boy” Cruz Jr. ng Ikalimang Distrito ng Bulacan, Vice Mayor Banjo Estrella kasama ang ilang kasangguni at mga kapitan ng barangay sa pamumuno ni ABC Darsee Alvarez. (UnliNews Online)