Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsMabunga at Matagumpay…Unang Isang Taon na Paglilingkod ni Mayor Jowar

Mabunga at Matagumpay…Unang Isang Taon na Paglilingkod ni Mayor Jowar

ANGAT, Bulacan — Naging mabunga at matagumpay ang unang isang taon na paglilingkod ni Angat Mayor Reynante “Jowar” Bautista bilang pagtupad sa kanyang sinumpaang tungkulin para sa bayan at mamamayan.

At sa patuloy na pag abot sa mga mithiin ng Asenso at Reporma, maituturing na isa sa kanilang malaking proyekto ay ang pagpapatayo ng bagong bahay pamahalaan ng Bayan ng Angat. At naisagawa na ang groundbreaking nito noong Hunyo 29, 2023 sa Barangay San Roque sa tulong ng masipag at butihing kongresista sa Ika -6 na Distrito ng Bulacan na si Congressman Salvador “Ador” Pleyto.

Ang bagong munisipyo ay nagkakahalaga ng 120 milyon sa tulong ni Cong. Ador na nauna na niyang binabaan ng 10 milyon para masimulan na ang nasabing gusali. Ito ay itatayo sa lupang donasyon ni Pandi Ex-Mayor Celestino “Tinoy” Marquez na may kabuuang sukat na 1 hectare. At ang pagtindig nito ay nasa superbisyon ni District Engineer George DC Santos ng DPWH Bulacan 2nd District Engineering Office.

Sinabi ni Mayor Jowar, “sa mahabang panahon ay nagsilbing silong ng pagbabago at pag asa ang ating bahay pamahalaan, ngunit tulad ng lahat ng bagay ay kinakailangan natin humakbang pasulong upang buksan ang mas marami pang oportunidad na naghihintay para sa ating lahat para sa isang bayan na may 70,000 na populasyon, masikip na ang ating kasalukuyang pamahalaang bayan para isagawa ang maayos na daloy ng serbisyo.

Sa pagtatayo ng bagong munisipyo ay pagbubukas din ng pinto ng mas maraming trabaho para sa mga Angatenyo, ang maayos na munisipyo ay makapagbibigay ng maayos na serbisyo at ang maayos na serbisyo ay makakaakit ng maraming oportunidad at negosyo. Magiging malawak at maluwag na ang galawan ‘ di lamang ng mga tao maging ng mga sasakyan. Malaking tulong din ito sa paggaan ng trapiko sa poblacion na siyang kinaroonan ng komersiyo. Kapag mabilis ang daloy ng trapiko, mabilis din ang ating pag- asenso” dagdag pa ni Mayor Jowar.

Matapos ang groundbreaking ng bagong munispyo ay sinundan naman ito ng groundbreaking ng alternatibong tulay na bakal na nag uugnay ng transportasyon sa barangay baybay at barangay laog.

Kabilang din sa mga napagtagumpayan na programa sa loob ng isang taon ni Mayor Jowar katuwang si Cong. Ador ay ang iba’t- ibang pagawain tulad ng imprastraktura, pagpapaliwanag sa mga kakalsadahan ng General Alejo Santos, mga street lights sa Barangay Poblacion hanggang sa pagtawid ng tulay ng Sta Lucia. Nabigyan din ni Cong. Ador ang halos lahat ng barangay sa naturang bayan ng tig 5 milyon na pondo para maisaayos ang mga daan at gawing konkreto.

Nakapagpagawa din ng covered court sa Barangay Encanto, Barangay Paltoc at Barangay Sulucan, bagong barangay hall ng niugan at taboc; bagong Rehabilitation ng Municipal Gym na gagawin State of the Heart; irrigation system sa Barangay Binagbag; mini dam sa Barangay Banaban at Barangay Sta. Lucia.

Itinatayo na din ang Dialysis Center, MDRRMO Bldg.; National Child Development Center (NCDC) para sa mga kabataan; green house para sa mga magsasaka; Central MRF at Super Health Center sa Barangay Taboc.

Pangarap din ni MayorJowar, na makapagbukas ng mga bagong ahensya na maaaring makatulong sa lahat tulad ng Pag ibig, PSA at ibp. At ng sagayon di na kailangan gumastos pa ng malaking halaga at oras para sa mga kinakailangang dokumento.

Malugod na pinasalamatan ni Mayor Jowar, si Congressman Ador Pleyto sa walang sawa at bukal sa pusong pagbibigay ng suporta nito sa kanya para sa kapakinabangan ng kanilang bayan ‘di lamang sa imprastraktura sya tinutulungan nito maging sa livelihood, pinansyal assistance at marami pang iba. “Ngayon ko lang nakikita na may totoong gobyerno na umaalalay dahil sa pagmamahal ni Cong. Pleyto” ani Mayor.

Nagpasalamat din sya sa kanyang maybahay na si Mayora Leslie Tigas- Bautista na siya nitong kasama sa lahat ng kanyang mga pangarap at paghihirap.

At di rin nito kinaligtaan magpasalamat una sa Diyos at sa kanyang mga katuwang sa paglilingkod sa pangunguna ni Vice Mayor Arvin Lopez Agustin at sa mga miyembro ng sangguniang bayan, mga kapitan at sa mamamayang angateño na patuloy na nagtitiwala at nakikiisa sa kanyang adbokasiya. (May dagdag na ulat si Allan Roi Casipit)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments