BATAAN — Isang bagong tayong Dialysis Facility ang binuksan ng lokal na Pamahalaang Bayan ng Hermosa.
Tugon ito ni Mayor Jopet Inton sa matinding pangangailangan hindi lamang ng bayan ng Hermosa kundi ng mga kalapit bayan na magbibigay at maghahandog ng tulong at pag -asa sa mga nangangailangan ng serbisyo nito.
Ayon kay Mayor Inton, “ang Hermosa Dialysis Center ay isang espasyo kung saan ating mabibigyan ng pangmatagalang paggamot ang mga pasyente na may sakit sa bato.”
Dagda pa ng alkalde, “dito ay kanilang matatanggap ang tamang pangangalaga at mga serbisyong magbibigay ng komportable at ligtas na karanasan sa kanilang pagdadaan sa proseso ng dialysis.”
Panibagong yugto ng serbisyo sa mga taga-Hermosa sa ilalim ni Mayor Inton. (UnliNews Online)