MATATAWAG ng public safety expert ang aktor na si Cesar Montano makaraan itong magtapos ng kursong Master in Public Safety Administration.
Ganap nang public safety expert si Cesar Montano nang magtapos ng kursong Master in Public Safety Administration sa edad na 60.
Scholar ang aktor sa Philippine Public Safety College at sa edad na 60-anyos ay nakamit nito ang kanyang diploma.
Maliban sa pag-graduate, tumanggap din umano ang aktor ng Best in Policy Paper Award ntong Huwebes (July 6).
Kabilang sa mga kaklase ni Cesar ang ilang opisyal ng pulisya, jail officers, fire officers, coast guard commanders at ilang pinuno ng mga ahensya ng gobyerno.
Nag-aral si Cesar noong kasagsagan ng lockdown sa Pilipinas dahil sa COVID-19 upang hindi masayang ang panahon niya.
April 2009 ay nagtapos na ng kursong Mass Communication ang aktor sa Lyceum of the Philippines University. (May dagdag na ulat mula sa KFive Zambales Digital News)