Thursday, February 6, 2025
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsBustos Dam patuloy pa rin sa pagpapakawala ng tubig

Bustos Dam patuloy pa rin sa pagpapakawala ng tubig

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Patuloy pa rin sa pagpapakawala ng tubig ang Bustos Dam bunsod ito sa patuloy na pagtaas ng level ng tubig nito bunga ng mga pag-ulan dala ng Habagat at ng nakaraang Bagyong Egay.

Base sa ulat ng Bustos Dam water control and coordinating unit, nakabukas pa rin ang isang rubber gate at tatlong sluice gate ng naturang dam na may kabuuang lakas ng tubig na 650 cubic meter per second.

Sa kasalukuyan ang water elevation ng Bustos dam ay 16.8meters at ang spilling level nito ay 17.35 meters.

Bagamat mababa na ito sa spilling level, ayon sa nangangasiwa ng dam ay hindi pa maaring isara ang rubber gate nito dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng water level.

Ito na ang ikatlong araw na nagpapakawala sila ng tubig kayat nagbabala na kahapon ang Bulacan PDRRMO sa mga residente malapit sa kailugan sa mga bayan ng Bustos, Baliwag, Pulilan, Plaridel, Calumpit at Hagonoy dahil sa mga posibleng pagbaha bunga ng pagpapakawala na ito ng tubig ng Bustos dam. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments