LUNGSOD NG MALOLOS — May dalawang libong family food packs ang hinatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 3 sa sa nasabing lungsod noong Linggo (July 30) upang ipamahagi sa mga pamilyang naapektuhan ng matiding baha dulot ng Bagyong Egay, Falcon at hanging Habagat.
Ang hakbang ng DSWD ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tutukan ang early recovery at rehabilitasyon ng mga pamilyang lubhang naapektuhan ng kalamidad.
Sa kabilang dako, kaugnay ng relief operations ng lungsod as of July 30, 2023 9:00 pm ay may kabuuang 23,897 ng relief packs ang naipamahagi sa ating mga kababayang naapektuhan ng kalamidad. (UnliNews Online)
Source: Malolos CIO