LUNGSOD NG MALOLOS — Lubos na pinasasalamatan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pangunguna ni Mayor Christian D. Natividad ang lahat ng mga volunteers mula sa iba’t-ibang barangay na nagsitulong sa repacking at distribution ng mga relief packs sa mga pamilyang nasalanta at lubhang naapektuhan ng BagyongEgay at Falcon at matinding baha dulot nG Habagat.
Taos puso ding pinasasalamatan ng alkalde ang lahat ng mga kawani mula sa iba’t-ibang departamento ng Cith Hall na hindi inalintana ang baha at ulan para lamang mabilisang makapag-hatid ng ayuda sa mga Malolenyo.
Hangad ni Natividad na mabigyan po ang lahat ng nangangailangan at ang lahat ng naapektuhan ng pagbaha sa buong lungsod.
Humihingi rin ang alkalde ng konting tiyaga sa paghihintay ng tulong mula sa pamahalaang lungsod. (UnliNews Online)
Source: Malolos CIO