CALUMPIT, Bulacan — Pinangunahan ni Senator Risa Hontiveros katuwang si Mayor Lem Faustino ang pamamahagi ng relief goods sa mga residente ng nabanggit na bayan na lubhang naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng Bagyong Egay at Falcon, at pinalakas nitong Habagat.
Umabot sa 2,000 mga pamilya mula sa bayan ng Calumpit, sa Bulacan, Macabebe at Masantol sa Pampanga ang nabiyayaan ng bitbit na ayuda ng senador.
Nangako pa si Hontiveros na muli rin niyang ilulunsad ang “Healthy Pinas” mobile clinic program upang makapagbigay ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga nangangailangan pagkaraan humupa ang baha sa mga nasabing bayan. (UnliNews Online)