LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Nagbigay ng pandagdag tulong na P2 milyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa nabanggit na lungsod bilang pantugon na matulungan ang mga Malolenyo noong Monday (Aug. 7) sa Hiyas Convention Center.
Kabilang sa binigyan ng Pangulo ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ng halagang P15 milyon habang tig-P2 milyon para sa mga bayan ng Bulakan, Calumpit, Bustos, San Ildefonso, San Rafael, Pulilan, Hagonoy, San Miguel.
Matatandaang noong Lunes ay hinarap ng Pangulo ang mga lokal na opisyal ng Bulacan upang malaman ang kalalagayan para maibigay ang agarang tulong.
Laking pasasalamat ni Mayor Christian D. Natividad kay Pangulong Marcos sa karagdagang tulong na aagapay sa mga lubhang naapektuhan sa nakaraang kalamidad sa lungsod ng Malolos. (UnliNews Online)