BOCAUE, Bulacan — Dumating na ang bagong-bagong police patrol car na Toyota Hilux at motorcycle patrol para sa kapulisan ng nabanggit na bayan.
Dumalo sa pagbebendisyon ng mga sasakyan sina Mayor Jonjon Villanueva at Lt. Col. Ronie Pascua, Chief of Police ng Bocaue.
Matatandaan na personal itong hiniling nina Mayor JJV at Senator Joel Villanueva kay PNP Chief General Rodolfo Azurin noong nagpunta siya sa Bocaue noong Disyembre.
Malaking bagay ang mga sasakyang ito sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa ating bayan na prayoridad ni Mayor Jonjon Villanueva. (Unlinews Online)