Tuesday, January 21, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionAla BiraLeviste vs Santos-Recto sa pagka-gobernador ng Batangas?

Leviste vs Santos-Recto sa pagka-gobernador ng Batangas?

HUMAHALIMUYAK na ang amoy ng pulitika sa lalawigan ng Batangas at mga sikat na personalidad sa larangan ng pulitika at ng showbiz ang nakatakdang magtunggali sa darating na eleksyon sa 2025.

Sa nakuhang impomasyon ng ALA-BIRA sa mga naghahangad na mamuno sa Batangas at ayon sa mga nakausap kong lider na karamihan ay nasa puwestong halal ng bayan na ayaw munang ipabanggit ang mga pangalan anila’y amoy pa lang naman ang pulitika.

Kasalukuyang plantsahan pa lang ng mga ginagawa at nakarating sa inyong abang lingkod na nagpaplanong tumakbo rin sa pagka-gobernador si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Kung matutuloy si VG Leviste at batid naman ng nakararami na nali-link si Leviste kay Kris Aquino. Alam din ng lahat na si Kris ys isang Aquino at nagmula sa angkan ng mga may malaking pangalan sa larangan ng politika.

Si Kris ay bunsong anak ng dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino at kapatid ng dating presidente na si Noynoy. Nariyan pa rin ang kanilang koneksyon o lakas sa malalaking pulitiko sa bansa katulad ng ginawang tulong diumano ni Kris kay Senador Robin Padilla na tiyak ganun din ang gagawing suporta ni Kris kay Vice Gov. Leviste.

Eto ang siste na puedeng maganap, paano kung bumalik at tumakbo uli sa pagka-gobernador si dating Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

MAGANDANG LABAN ITO. QUEEN OF ALL MEDIA VS. STAR FOR ALL SEASON. Subaybayan at sundan sa ALA BIRA ang mga magaganap ukol sa pulitika sa lalawigan ng Batangas .

Usapang ‘senior citizen’ sa Calaca City

MUKHANG nagbunga ang ating malaking katanungan sa nakaraan nating kolum dito sa ALA-BIRA.

Tinalakay natin na bakit hindi isama ng lokal na pamahalaan ang ‘maintenance’ ng mga senior citizen sa taunang budget o pondo ng lokal na pamahalaan na magiging isang malaking tulong sa mga senior citizen lalo na sa pamilyang nasa below poverty level o sa pamilyang walang kinikita o tama lang sa pangaraw-araw na pangangailangan.

Ayon sa mga senior citizen na tumawag sa inyong lingkod na kinuha diumano ng LGU-CALACA ang mga reseta ng nga kababayang nagme-maintenance upang bigyan ng cash assistance ng lokal na pamahalaan na malaking tulong diumano ni Dra. Agnes Katigbak, ina ni Calaca Vice Mayor Pippo Katigbak sa mga residente sa lahat ng barangay na nasasakupan ng Calaca sa consultation at prescription ng LIBRE.

MABUHAY KA DRA. AGNES KATIGBAK. MAGING ISA KA SANANG HUWARAN NG IBA PANG MGA DOKTOR SA CALACA NA HINDI NAMAMANGINOON SA PERA BAGKUS AY PAGTULONG ANG PINAIIRAL SA NGA NANGANGAILANGAN.

Sana naman ay huwag matulad sa nakaraang kasagsagan ng pandemic na ang kalaban sa pulitika diumano ng administrasyon ay inalis sa listahan na tatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.

Doon naman po sa mga nga nangungulit kong kababayan tungkol sa “status” ng PLUNDER CASE na inihain laban kay Calaca Mayor Nas Ona sa Ombudsman. Hindi po nagtagumpay na makuha ng aking mga kapatid sa larangan ng pamamahayag na nakabase sa Manila ang lagay ng kaso o baka may hinihintay pa diumanong findings mula sa Commission On Audit. (UnliNews Online)

Bayani H. Alamag
Bayani H. Alamaghttp://unlinews.org
Bayani Hernandez Alamag was born and raised in Calaca, Batangas. A former writer/correspondent of Philippine Journalists’ Incorporated (publisher of People's Journal, People's Tonight, and Taliba). Presently, he is a reporter for REMATE, a national tabloid newspaper, and a columnist for A-1 INFO. Alamag is also a publisher of The TRUTH, Batangas provincial newspaper and he is a member of the National Press Club (NPC).
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments