Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsKotse ‘nilamon’ ng trailer truck, 5 patay

Kotse ‘nilamon’ ng trailer truck, 5 patay

SAN ILDEFONSO, Bulacan — Lima ang patay habang isa ang nasa malubhang kalagayan matapos “lamunin” ng buo nang trailer truck ang isang multi-purpose vehicle (MPV) sa kahabaan ng Maharlika Highway sa nabanggit na bayan kamakailan.

Base sa naging ulat ng pulisya, kinilala ang mga nasawi na lulan ng siang Toyota Innova na sina Nelson Magundayao, Arlene Sipcon, Cripin Garcia Jr., Crisanto Garcia at Christopher Lachica; habang sugatan si Jansen Grengia, pawang residente ng Makati City.

Naganap ang salpukan ng dalawang sasakyan bandang 2:30 ng madaling araw ng Agosto 15 sa Maharlika Highway na sakop ng Brgy. Malipampang.

Ayon sa report at base sa CCTV footages, makikita ang biglang paglamon ng truck na minamaneho ni Aurelio Bartequil, 59 anyos, ng Malabon City, na pakaliwa ng kalsada at nasalpok ang kasalubong na pulang Innova na minamaheho ni Magundayao.

Dahil sa lakas ng impact ng pagkakasalpok ng truck sa nasabing kotse ay napitpit ito at kinaladkad pa ng truck sa konkretong poste sa gilid ng kalsada na ikinapitpit at ikinawasak nito, dahilan ng agarang pagkamatay ng mga biktima.

Halos dumaan sa butas ng karayom ang mga rumespondeng rescue team para mailabas ang mga biktima sa napitpit na sasakyan.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng truck na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Multiple Homicide, Serious Physical Injuries and Damage to Property. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments