IBINAHAGI ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig ang sikreto sa kanilang mga negosyo kaya puro ito patok at successful.
Ayon sa mag-asawa, hindi pangmatagalan ang trabaho sa showbiz kaya dapat ay merong “fallback” kapag dumating ang oras na hindi na sila aktibo sa showbiz.
“Lahat ng nabibili po namin, pinag-iipunan talaga din namin. Like, for example, this restaurant, may gig siya. Ako, kunwari may mga endorsement. Iipunin po namin ‘yan,” ani Neri.
Saad naman ni Chito na hindi madaling proseso ang maging matagumpay sa negosyo. Katunayan, minsan daw ay “hit and miss” ito pero dapat ay marunong ka kung paano siya diskarte.
“From our mistakes, nagiging better ‘yung mga decisions namin when it comes to investing,” dagdag pa ni Chito.
“Hanggang umabot sa point na more successes na than mistakes. We are just very smart with our money po talaga,” dugtong niya.
Malaking bagay din daw ang pagiging matalino sa pagdedesisyon kung paano hahawakan ang pera kasama na rito ang mga taong pagkakatiwalaan.
“’Yung mga taong kasama ninyo hindi dapat kayo pagandahan ng kotse,” ani Neri. “Lagi kong sinasabi sa mga ibang nagtatanong sa akin, ‘Tamang inggit…pag nakita ko, ‘Gusto ko niyan,’” dugtong niya.
“Dapat gayahin mo kung paano dine-discredit ‘yung mga tao like ako, feeling nila dahil ako successful because of Chito. Hindi. Magkaiba pa nga po kami ng pera,” dagdag pa ni Neri.
“Natuto ako kay Chito, ‘Kung ano yung pera mo, itabi mo ‘yan. Kapag may sobra na, then okay, pwede na,’” giit niya.
Dugtong pa ni Chito, ang puhunan niya ay kinita niya sa mga gigs ng Parokya ni Edgar at iba pang raket..
“What I did with my money was instead of spending it, I just invested it and invested it,” sey ni Chito.
“Huwag ninyo isusugal lahat sa isa lang,” payo niya. “Kumbaga sa sampu na ‘yun, kung may mag-fail man na lima, may lima ka naman na iba, totally different,” pagtatapos niya.
Source: Police Files Tonite