Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsP1.3 bilyon halaga ng shabu narekober ng NBI sa Mabalacat

P1.3 bilyon halaga ng shabu narekober ng NBI sa Mabalacat

CAMP OLIVAS, Pampanga — Humigit kumulang 200 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.3 bilyon ang narekober ng mga otoridad sa loob ng isang abandonadong sasakyan sa parking area ng isang supermarket sa Barangay Camachiles, Mabalacat City noong Biyernes (Aug. 25).

Ayon kay Police Regional Office 3 Director Brig. Gen. Jose S. Hidalgo Jr., isang team ng mga pulis mula sa Mabalacat City Police Office ang naging katuwang ng Task Force Anti-Illegal Drugs ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa Maynila para sa recovery operation.

Sinabi ni Hidalgo na naganap ang recovery operation sa parking area ng SM Hypermarket sa Barangay Camachiles, Mabalacat City bandang 1:58 a.m. nitong Biyernes.

Bago ang recovery operation, nakipag-ugnayan ang isang team mula sa TFAID-NBI sa pangunguna ni Attorney Eduardo Ramos Jr. at nagsabi na isang kotse ang inabandona ng pitong araw sa parking area ng nasabing supermarket.

Matapos isagawa ang inspeksyon, nadiskubre ng mga tauhan ng NBI ang nasa 200 kilo ng shabu sa loob ng sasakyan.

Agad na nasamsam ng NBI team ang mga iligal na droga at dinala sa Maynila para sa imbentaryo.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy kung sino ang may dala ng sasakyan bago ito iwan sa naturang parking lot. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments