Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsTEAM TATO, para sa patuloy na pag unlad ng Brgy. Liciada, Bustos

TEAM TATO, para sa patuloy na pag unlad ng Brgy. Liciada, Bustos

Nina Verna Santos at Allan Roi Casipit

BUSTOS, Bulacan — Si Engineer Fortunato “Tato” Angeles ay lumaking Bustosenyo at naninirahan sa Barangay Liciada sa nabanggit na bayan. Si Engr. Tato Angeles ay isang dating simpleng empleyado sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela bilang opisyales o Head Department sa Planning Division taong 1988 hanggang sa siya ay nakapag retiro.

Si Angeles ay napusuang himukin ng kanyang mga kabarangay na lumahok sa nalalapit na halalang pambarangay sa darating na Oktubre 30, 2023. Dahil sa pagiging aktibo nito sa pagtulong at pakikiisa sa mga gawaing kapaki- pakinabang para sa kanilang lugar at mga kabarangay.

Anila, “si Engr. Tato po ay aming hinihikayat na tumakbo bilang kapitan sa aming barangay upang maipagpatuloy nito ang magagandang programang nasimulan ng kanyang nakababatang kapatid na dati naming kapitan at ABC na si Martin Angeles na ngayon ay kasalukuyang nanunungkulan bilang Vice Mayor sa aming bayan.”

“Nakahanda po kaming sumuporta sa buong TEAM TATO para sa tuloy- tuloy na serbisyo para sa Liciadeño,” dagdag na wika pa ng mga ito.

Batid ng mga taga Barangay Liciada na ang TEAM TATO noon pa man ay nakikiisa na sa mga programa sa kanilang barangay gaya ng Groundbreaking Ceremony ng Fire Sub- Station kasama sina Mayor Francis Albert “Iskul” Juan at Vice Mayor Martin Angeles. Tumulong si Engr. Tato Angeles at sangguniang barangay para maisakatuparan ang proyektong ito. Dahil dito mas mapapabilis ang responde sa mga lugar na apektado ng sunog lalo na sa gawing kabukiran.

Kabilang din sa mga naging proyekto ng TEAM TATO ang pagsasaayos ng daluyan ng tubig (drainage) sa bahagi ng kalye Dela Cruz upang maiwasan ang pagbaha. Ito ay magkakaroon na rin ng sidewalk para sa kaginhawahan ng mamamayan. Nagbigay din sila ng mga panambak para sa covered court at sa Purok 2 Ortega’s Compund.

Bukod pa dito ay nakapagkaloob din ng mga street lights na nagsilbing liwanag sa parteng madilim na kakalsadahan upang maalarma ang sinomang gagawa ng di maganda.

Binibigyan pansin din ng naturang Team ang kahalagahan ng nutrisyon. Sila ay nagpakain ng arroz caldo sa kaniyang mga kabarangay sa Purok 1 noong ika-19 ng Agosto 2023 na may temang ”HEALTHY DIET Gawing Affordable For All” nutrisyong sapat para sa lahat. Kinakalinga din ng Team Tato ang mga may karamdaman gaya ng pagkakaloob ng wheel chair.

Likas sa puso ni Engr. Tato ang pagtulong sa kapwa kung kaya’t agad nitong dinamayan ang mga naapektuhan ng nagdaang kalamidad dulot ng bagyong Egay at sa abot ng kanyang makakaya nagkaloob ito ng karagdagang relief goods.

Dahil sa ipinamalas na pagganap at pakikipag kapwa tao ni Engineer Fortunato “Tato” Angeles ay nagkaisa ang mga Liciadenyo para hikayatin siya na tumakbo bilang kapitan upang mas higit na makapag lingkod.

Sapagkat naniniwala sila sa kakayahan na maiaambag ni Engr. Tato para sa mamamayan at komunidad. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments