Thursday, November 7, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsLAB for ALL caravan para sa isang malusog na Bagong Pilipinas!

LAB for ALL caravan para sa isang malusog na Bagong Pilipinas!

CALOOCAN CITY — Ipinagpatuloy ng Department of Health, kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at ang iba pang National Government Agencies (NGAs) kaugnay na ahensya ang paghahatid ng kalidad na serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan LAB for ALL caravan sa Barangay Bagumbong sa nabanggit na lungsod nu’ng Martes (Aug. 29).

Kabilang sa serbisyong dala ng LAB for ALL ay libreng konsultasyon para sa pediatrics, obstetrics, gynecology, ECG, dental extraction, minor surgeries, eye check-up, family planning, HIV at STI, at iba pa.

Ang caravan na ito ay inisyatibo ng administrasyong Marcos upang magpaabot ng libreng serbisyong pangkalusugan kagaya ng pamamahagi ng libreng mga gamot at konsultasyon para sa pediatrics, obstetrics, gynecology, ECG, dental extraction, minor surgeries, eye check-up, family planning, at HIV and STI consultation at iba pa.

Bukod sa DOH, dumalo rin sa paglulunsad ng LAB for ALL ang iba pang mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Food and Drug Administration (FDA), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at lokal na pamahalaang lungsod ng Caloocan. Nakasama rin ng pampublikong sektor ang ilan sa mga katuwang sa pribadong sektor na kaisa sa mithiing makapaghatid ng kalidad na serbisyong pangkalusugan.

“Saan mang sulok ng bansa ilunsad ang LAB for All, makaaasang laging ipababatid ng DOH ang suporta nito upang mas maramdaman ng bawat Pilipino ang pangangalagang pangkalusugan tungo sa Healthy Pilipinas… kung saan Bawat Buhay ay Mahalaga!” ani ni Health Secretary Teodoro Herbosa. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments