Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial News4 na bodega ng bigas ininspeksyon sa Balagtas, Bocaue

4 na bodega ng bigas ininspeksyon sa Balagtas, Bocaue

Ni Ramon Efren Lazaro

INTERCITY INDUSTRIAL ESTATE, Balagtas — Muling pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Mart Romualdez, Act-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo, 5th District of Bulacan Rep. Ambrosio Cruz kasama ang mga opisyales ng Bureau of Custom at Philippine Coast Guard ang pag inspeksyon sa apat na bodega ng bigas sa Intercity Industrial Estate at Golden City Business Park sa bayan ng Bocaue at Balagtas noong Wednesday morning (Aug. 30).

Ang mga pinasok na bodega sa Intercity Industrial Estate sa baranggay ng San Juan Balagtas, Bulacan ay ang Gold Rush Ricemill at ang Denorado Warehouse na pinamamahalaan ni Andrews Mijares.

Ang mga pinasok naman sa Golden City Business Park ay ang JJS Ricemill na inuupahan ng may-ari ng Mutya Ricemill na pinamamahalaan ni Alma Esteban at ang isa pang Gold Rush Ricemill na pinamamahalaan ni Eusebio Dela Tama.

Ayon kay House Speaker Romualdez sapat naman ang supply na bigas subalit ang ginagawa ng mga rice traders ay iniipit nila ang kanilang mga local at imported na bigas at nag hihintay na tumaas ang presyo sa merkado tsaka lang nila ito ilalabas.

Aniya pa kay Romualdez ay babantayan nila ang warehouse sa Intercity at Golden City at kung malaman nila na ang mga dokumento ng mga warehouse ay hindi tama kukumpiskahin ng gobyerno ang mga bigas at ibibigay nila sa mamamayan sa tamang presyo.

Dagdag pa kay Romualdez na kung sa Tacloban o sa Visayas ay kaya nila magbenta ng P20 pesos per kilo ay dapat kaya din nating magbenta dito para ma-achieve natin ang goal ng ating pangulo. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments