LUNGSOD NG MALOLOS — Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pagpapasinaya ng Alagang Tingog Satellite Office sa unang Distrito ng Bulacan na matatagpuan sa City Walk Sports Center, Velenzuela St. sa nasabing lungsod.
“Ang inagurasyon ng ATC ay hindi lamang isang selebrasyon ng isang bagong gusali, kundi isang selebrasyon ng pag-asa, pagkakaisa, at pag-unlad. Hayaan ang araw na ito na markahan ang simula ng isang panahon kung saan ang mga taga-Bulacan, at ang buong bansa, ay mas nakadarama ng koneksyon, narinig, at inalagaan,” ani Speaker Romualdez.
Dagda pa ni Speaker Romualdez, “sa mga taga-Bulacan, nais kong tiyakin sa inyo na ang pambansang pamahalaan at ang Kamara ay naririto para sa inyo. Naririnig namin kayo, nakikita namin kayo, at nakatuon kami sa pag-angat ng inyong buhay. Nais kong ulitin ang aking pasasalamat sa pagpayag na para maging bahagi ako ng napakalaking milestone na ito.”
Ikinalugod ng House Speaker na buhay at nananatili pa rin sa mga Pilipino ang pagkakaisa, paglilingkod at pagkahabag anuman ang estado sa buhay.
Naaayon rin aniya sa direktiba ni Pangulong Marcos na palawakin at gawing madali ang pagpapaabot ng serbisyo ng gobyerno sa publiko ang pagtatayo ng ATC.
“Chairperson Yedda Marie and House Deputy Majority Leader Jude Acidre of Tingog Party-list have demonstrated unparalleled commitment and drive, ensuring that the ATC is not just an idea but a tangible reality,” dagdag ni Romualdez kasabay ng pagbati sa dalawang mambabatas.
Kaugnay nito, nagpasalamat si Malolos City Mayor Christian Natividad sa pagbubukas ng Alagang Tingog Center sa lungsod sa pamamagitan ng Tingog Partylist.
“Nangangahulugan ito na paiigtingin ang pagbibigay ng tulong, suporta at tulong sa mga mamamayan ng Malolos at maging sa unang distrito ng Bulacan,” dagda pa ni Natividad.
Maliban kay Mayor Natividad, naging katuwang ni Speaker Romualdez sa pagpapasinaya ng ATC sina Cong. Danny Domingo ng Unang Distrit ng Bulacan, Gov. Daniel Fernando, Vice Gov. Alex Castro, Deputy Majority Floor Leader Jude Acidre Philippine Amusement and Gaming Corporation (PVSO) head Al Tengco, Vice Mayor Migs Bautista at mga member ng Sangguniang Panlungsod ng Malolos. May dagdag na ulat si Jason Estrada (UnliNews Online)