NAGLAAN diumano ng halagang P43 bilyon ang ating gobyerno para sa annual medical regular examination or consultation ng mga senior citizens na ang magbabayad ay ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.
Ito ang mga benepisyong dapat na pakinabangan ng mga ‘katandaan’ ayon sa Coalition Services of the Elderly Incorporated.
Mangyari lamang na pumunta ang mga senior citizen sa opisina ng PhilHealth at magparehistro. Tanungin ang mga doktor sa pupuntahang clinic kung puwede sila sumali sa konsulta programa ng gobyerno para sa mga seniors.
Aba, magandang programa ito at malaking tulong sa mga senior citizen na kinakapos ang binibigay na suporta ng kanilang pamilya. Sana ay maaprubahan na rin ang Universal Social Pension sa mga senior.
Early Campaigning sa Batangas!
Meron natanggap ang inyong abang lingkod na tawag mula sa isang concern citizen na residente ng Barangay 1, Lian, Batangas. Ayon sa caller, ito raw incumbent at kasalukuyang Bgy. Captain ay napakasipag umano. Nagsisimula ng mamigay ng tulong financial ang naturang Kapitan sa mga residente ng naturang barangay at diumano ay lantaran at magulang pa ng nasabing Kapitan ang nangangasiwa! Owws.
ANO KAYA ITO! AYUDA O NAMIMILI NA? HINDI BA ISANG VIOLATION NG COMELEC ANG EARLY CAMPAIGNING.
Ang NANGANGAMOY na pulitika sa Batangas
Sa nakaraan nating isyu ay ating tinalakay kung maghaharap sa pagka-gobernador sina dating Governor Vilma Santos at Vice Gov. Mark Leviste.
Maaaring magiging mahigpit ang magiging laban kapag natuloy ang paghaharap ng dalawa dahil sa gagawing suporta ni Miss Kris Aquino kay Vice Gov. Leviste. Pero ayon sa reliable source hindi aatras ang una nang tatakbong gobernador ng Batangas na si Mataas na Kahoy Vice Mayor Jay Manalo Ilagan. Sa ngayon diumano ay gumagawa na ito ng ingay dito sa Batangas.
ABA eh, may pa-raffle pa si Vice Mayor Ilagan at ang tatamaan ay isang Toyota Vios 2024 model. Ano?
At meron din umanong pa-raffle na mga cash prizes linggo-linggo. Paano sumali? Dapat maging bahagi kayo ng aADBOKASIYA ni Vice mayor Manalo Ilagan ang “WORLD CLASS BATANGAS”.
Mag-fill up ng membership form at meron din kayong chance na manalo ng NMAX sa birthday raffle nito sa December 30.
ABA BIRA! IBA TALAGANG KLASE ITONG SI VICE MAYOR JAY MANALO ILAGAN kung lumaban, laban talaga. Nakataya pati pato! (UnliNews Online)