Friday, November 8, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsBulacan, muling magdaraos ng Tatak Singkaban Trade fair

Bulacan, muling magdaraos ng Tatak Singkaban Trade fair

LUNGSOD NG MALOLOS — Bilang patunay ng kanilang pangako na pagtulong sa marketing at promosyon ng mga Micro, Small, at Medium Enterprises (MSMEs) at mga kooperatiba sa Bulacan, muling magdaraos ang Provincial Cooperative and Enterprise Development Office ng Tatak Singkaban Trade Fair mula Setyembre 8-15, 2023 sa harap ng gusali ng PCEDO sa lungsod na ito.

Bahagi ang nasabing trade fair ng isang linggong pagdiriwang ng Singkaban Festival 2023 na may temang “Likas na Yaman, Kasaysayan at Kultura, Pangalagaan ating Pamana”, na nagsisilbing paraan upang itampok ang mga produkto ng MSMEs at kooperatiba sa merkado.

Sa kabuuan, mayroong 56 na mga exhibitor kabilang ang 52 MSMEs, dalawang kooperatiba, at dalawang lokal na pamahalaan ang magiging tampok sa nasabing trade fair.

Kabilang sa mga produkto na makikita rito ang footwear, bags and wallets, pang regalo, embroidery and linen, ornamental plants, fashion accessories, damit, leather crafts, at pagkain.

“Patuloy nating ipinapakita ang ating suporta para sa mga maliliit na negosyo at mga kooperatiba dahil naniniwala tayo na sila ay haligi rin ng ating ekonomiya. Ang Tatak Singkaban Trade Fair ay hindi lamang tungkol sa pagbebenta, ito rin ay tungkol sa pagbibigay ng oportunidad para sa ating mga kababayan na tuparin ang kanilang mga pangarap sa pagnenegosyo,” ayon kay Fernando. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments