Friday, December 13, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsMiyembro ng ‘Arnulfo Teves group’ arestado sa Nueva Ecija

Miyembro ng ‘Arnulfo Teves group’ arestado sa Nueva Ecija

NUEVA ECIJA — Arestado sa naturang probinsya noong Huwebes (Sept. 7) ang isang umano’y miyembro ng Arnulfo Teves group ng mga hitmen at kasama sa listahan ng Most Wanted Person sa Negros Oriental.

Base sa nakarating na ulat kay Col. Richard Caballero, Nueva Ecija police director, ay kinilala ang suspek na si Richard Quadra na naaresto sa isang Manhunt Charlie Operation sa Barangay Sta Catalina, Talugtug, Nueva Ecija sa pamamagitan ng warrant of arrest sa kasong murder.

Napag-alaman na ang nadakip na suspek kasama ang limang iba pa, na kinabibilangan ni dismiss Rep. Arnulfo Teves, ay nahaharap sa kasong murder dahil sa serye ng mga pagpatay sa Negros Oriental noong 2019.

Nakuha ng mga awtoridad mula sa pag-aari ni Quadra ang isang 9MM caliber Smith at Wesson Model SW9C na baril na may magazine na may laman na 14 na bala. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments