LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Inumpisahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapalapad sa Malolos section ng Malolos-Plaridel Road.
Nakatakdang gawing apat na linya ang salubungang kalsada mula sa crossing ng Malolos hanggang sa Barangay Barihan na nasa boundary naman ng bayan ng Plaridel.
May halagang P266.1 milyon ang proyekto na pinondohan ng Pambansang Badyet ng 2023.
Kabilang sa mga alternatibong ruta ang barangay road mula Sumapang Matanda patungo sa Sta. Rita Exit ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Guiguinto.
Pwede ring dumaan mula sa Calumpit-Pulilan Road patungo sa Pulilan-Baliwag Bypass Road para makarating sa Daang Maharlika patungo sa lungsod ng Baliwag. (UnliNews Online)
Source: PIA Bulacan