Saturday, November 9, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNews‘Pinanatili ng mga pageant ang buhay, ningning ng makulay na sining at...

‘Pinanatili ng mga pageant ang buhay, ningning ng makulay na sining at kultura ng Bulacan’ — Gob. Fernando

LUNGSOD NG MALOLOS — Sa kanyang mensahe na inihatid ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia V. Constantino, hindi sang-ayon si Gobernador Daniel R. Fernando sa pananaw na ang mga patimpalak katulad ng mga pageant ay hindi mahalaga, dahil ayon sa kanya, ang mga ganitong programa ang nagpapanatili ng buhay at ningning ng makulay na sining at kultura na nagbubuklod sa mga Bulakenyo bilang isang pamilya sa ginanap na Gabi ng Koronasyon ng Hari at Reyna ng Singkaban 2023 sa Bulacan Capitol Gymnasium.

“Ang pagkakakilanlan natin bilang isang mamamayan ay makikita sa mga kinalakhan nating mga tradisyon at kasanayan na dapat lamang ipagmalaki at patuloy na isabuhay upang mamalas pa ng mga susunod pang henerasyon,” anang gobernador.

Iniuwi nina Hari Paul Bernard C. Carreon at Reyna Ma. Althea F. Franco, pawang mula sa Bayan ng Bocaue, ang titulo bilang Hari at Reyna ng Singkaban 2023.

Kinilala ni Franco, na nanalo rin ng Best in Talent at Photographer’s Choice Award, ang mga tao sa likod niya, na ayon sa kanya, ay naging kasangkapan sa kanyang tagumpay.

“This feels surreal kasi, sa simula pa lang nandoon na ‘yung pressure na mag-back-to-back, but we turned that pressure into fuel para magkaroon kami ng lakas na kahit mayroong mga setbacks, mayroong mga doubts, ma-o-overcome namin ‘yun. And at the end, we stand tall and we stand proud na kami ay Bocaueño,” anang Reyna ng Singkaban 2023.

Samantala, nagpasalamat sa Diyos ang Hari ng Singkaban 2023 na kasama ng kanyang designer na si Jeff Dela Cruz ay nagwagi ng Best Designer in Barong Tagalog award, gayundin sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kanyang paglalakbay kabilang ang kanyang glam team, pamilya, at nobya.

Kabilang sa iba pang title holder sina Hari ng San Jose del Monte Juancho Carlo M. Ponce bilang Hari ng Turismo at Reyna ng San Rafael Alethea R. Ambrosio bilang Reyna ng Turismo; si Hari ng Bulakan Axell H. Chico na nanalo ng Hari ng Sining at Kultura, Best in Formal Wear, Best in Swimsuit at Photographer’s Choice Award, at Reyna ng Meycauayan Franchezca Mae A. Pacheco na nakuha ang Reyna ng Sining at Kultura at, kasama si Manny Halasan, ay nagwagi ng Best Designer in Terno award; at Hari ng Santa Maria Justine B. Matias bilang Hari ng Kasaysayan at Best in Talent, at Reyna ng Bulakan Sophia Bianca S. Estares bilang Reyna ng Kasaysayan, Best in Formal Wear at Best in Swimsuit.

Gayundin, napanalunan nina Hari ng Paombong Ian Christopher E. Felipe at Reyna ng Baliwag Louise Gonzales Uy ang 1st runners up; nakuha ni Hari ng Pulilan Shannon Joseph M. Lopez ang 2nd runner up at Bulacan Choice-Glam Shot award; wagi rin si Reyna ng Hagonoy Vhea Marie DL. Reyes bilang 2nd runner up; at si Reyna ng Angat Joyce Sharmaine S. Carlon bilang Bulacan’s Choice-Glam Shot award. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments