Nina Verna Santos at Allan Casipit
ANGAT, Bulacan — Isa si Angat Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista na nakasama sa hanay ng Top 10 Performing Mayors sa Bulacan sa isinagawang independent at non-commission survey ng JuanPh na sinimulan noong Hulyo 1 hanggang Setyembre 1, 2023 na mayroong 10,000 respondents mula sa Bulacan.
Panlima si Mayor Jowar Bautista na pumasok sa Top 10 Performing Mayors sa Bulacan na nakakuha ng 91.4%.
Labis namang ikinagalak ng mga mamamayang Angatenyo at buong pagmamalaki ng mga ito na napabilang ang kanilang punong bayan sa Top 10 Performing Mayor.
Giit pa nila na karapat dapat lamang na makasali si Mayor Jowar dahil sa ipinamalas nitong serbisyo publiko para sa bayan at mamamayan sa ‘di matawaran nitong mga nagawa sa loob ng isang taon pa lamang panunungkulan anila ito ay isang history.
Ang nabanggit na survey ay bahagi ng isang proyekto na may pamagat na “PARA SA MAMAMAYAN” na ang mga respondent ay mga rehistradong botante at residente ng Bulacan na mula sa edad na 18 hanggang 70. Ang sampling margin of error ay +1/-1 porsyento na may antas ng kumpiyansa. Sila ay random na pinili at ang bilang ng tumugon sa bawat lungsod ay ibinahagi ng patas batay sa datos ng populasyon sa pagboto.
Samantala nanguna sa survey si Mayor Arthur Robes ng San Jose Del Monte na nakakuha ng 93.4%, na pinangalawahan naman ni Mayor Fernando Galvez ng San Ildefonso na nakakuha ng 92.9%, pangatlo si Mayor Cholo Violago ng San Rafael na nakakuha ng 92%, at pang-apat si Mayor Atty. Christian D. Natividad ng Lungsod ng Malolos na nakakuha ng 91.8%.
Kasama din sa hanay si Mayor Jonjon Villanueva ng Bocaue bilang pang-anim na nakakuha ng 90%, pampito naman si Mayor Jocell Vistan ng Plaridel na nakakuha ng 89.7%, pangwalo si Mayor Ferdie Estrella ng Syudad ng Baliwag na nakakuha ng 89.3%; pansiyam si Mayor Atty. Agay Cruz ng Guiguinto na nakakuha ng 89.2% at ang pansampu ay si Mayor Roderick Tiongson ng San Miguel na nakakuha naman ng 89 na porsyento. (UnliNews Online)