BAKIT nga ba di mapigilan ang pagtaas ng presyo ng bigas sa ating bansa at totoo nga bang kulang tayo ng suplay ng palay mula sa mga magsasaka dito sa ating bansa?
Labis na pahirap sa ating mga mamamayang mahihirap ang mataas na presyo bigas kaya naman kabi-kabila ang pag raid ng Bureau Of Custom(BOC), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Ariculture (DA), at Department of Trade and Indudtry (DTI) sa mga bodega ng bigas sa Intercity Industrial at Golden City sa mga bayan ng Bocaue at Balagtas kung saan madaming imported na bigas ang nadiskubre.
Tikom ang bibig ng ilang negosyante sa naturang dalawang bayan sa naturang isyu sa ginagawang panghuhuli sa mga bodega lalo na ng BOC dahil batid din naman ng mga taga BOC ang talamak na Rice Smuggling mula sa ibang bansa. Kaya naman madali nilang natutunton ang malalaking bodega ng bigas sa mga rice mill.
Ayon sa pakikipag-usapan natin sa mga katiwala ng mga rice mill sa Bocaue at Balagtas wala tayong shortage sa bigas at hindi naman natin kailangan pang umangkat ng bigas sa ibang bansa.
Lalo na kung hindi tinatago ng mga negosyanteng Tsinoy sa mga lalawigan ng Isabela at Nueva Ecija ang palay na binibili sa mga magsasaka sa norte.
Kung susupilin nang gobyerno ang malalaking negosyante ng palay na nagpapahirap sa mga magsasaka dahil sa murang presyo lamang binibili ng mga ganid na Tsinoy ang mga bagong ani ng palay sa Isabela at Nueva Ecija. Aba! hindi maghihirap si Juan Dela Cruz dahil makakabili ng mura, masarap at magandang bigas.
Sana ay maging mulat ang mata ng mga taga-DA, NBI, DTI at ilang ahensya na mag-focus naman sa mga holder ng palay sa Isabela at Nueva Ecija. (UnliNews Online)