Monday, January 20, 2025
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsAbalos, pinulong ang mga alkalde sa Bulacan

Abalos, pinulong ang mga alkalde sa Bulacan

Nina Manny D. Balbin at Jason Estrada

LUNGSOD NG MALOLOS — Pinatawag at pinulong ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benjur’ Abalos ang mga alkalde ng lungsod at ng mga municipality sa Bulacan matapos ang pormal na paglulunsad ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) B.I.K.E.R.S. (Bawal na gamot ay Iwasan, Magandang Kalusugan, Ehersisyo ay ReSponsibilidad Ko) Team Up with Kapitolyo For Life kamakailan.

Kasama ni Abalos si Gov. Daniel Fernando, Vice Governor Alex Castro at DILG Undersecretary Abgd. Margarita Gutierrez, dininig ng kalihim ang mga usapin, hiling at panukala ng nasabing mga local chief executive (LEC).

Naunang isiniwalat ng Bureau of Fire Protection (PFP) ang malaking problema ng kanilang ahensya dahil sa kakulangan ng mga fire trucks sa ilang lokal na pamahalaan.

Hiling nila na mapalitan ng bagong units ang mga lumang trak ng bumbero sa Bulacan. Kabilang sa papalitan ang 7 units na hindi na gumagana at mga lumang trak ng bumbero na may edad 20 hanggang 40 taong gulang.

Nasambit aman ni Mayor Christian Natividad na lungsod ng Malolos ang ilang problema sa pagdedeklara ng isang drug free o drug clear ang isang baraangay.

Idinagdag din ng alkalde ang madalas na “constant changes” sa mga rule na ipinapataw ng DILG sa mga LGUs na dapat na bigyan umano ng atensyon mula sa naturang kagawaran.

Samantala, hiniling naman ni Sec. Abalos sa mga alkalde na pansamantalang bigyan ng diskwento o ilibre muna sa bayad sa upa ang mga magbibigas sa palengke. Ito’y habang umiiral ang price cap. Gayundin ang pagreporma sa Seal of Local Governance.

“Suportahan natin ang nais ng Pangulong Bongbong Marcos hinggil sa usapin sa presyo ng bigas. Ito ay para naman sa kapakanan ng taumbayan,” ani Abalos.

Maliban sa mga alkalde, kasama rin dumalo sa nasabing pagpupulong si PRO 3 Regional Director Brig. Gen. Jose Jose Hidalgo, Jr., at ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments