Friday, November 8, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsLungsod ng SJDM, pinarangalan ng The Manila Times

Lungsod ng SJDM, pinarangalan ng The Manila Times

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Ginawaran ng karangalan ng The Manila Times ang Lungsod ng San Jose del Monte bilang Family First Award at Food Security Enabler Award na ginanap sa Diamond Hotel, Manila nitong Lunes (Sept. 18).

Personal na dinaluhan ni Mayor Arthur Robes ang imbitasyon ng The Manila Times Model Cities and Municipalities Awarding Ceremony na may temang “Booming Townships and Next Generation Cities.”

“Malaking karangalan ito para sa ating lungsod dahil nagbunga na ang ating mga plano upang mapaganda ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan,” ani Mayor Robes.

Dagdag pa ng alkalde, ang mga ganitong gantimpala ay nagpapatunay na handang handa na ang ating lungsod upang maging susunod na Highly Urbanized City sa ating bansa.

“Maraming maraming salamat The Manila Times sa pagkilala na inyong ipagkaloob sa aming lungsod at amin itong gagawing inspirasyon upang mas pagbutihin ang aming mga mandato na mapaganda at mas mapaunlad hindi lamang ang aming lungsod kundi pati na din ang pamumuhay ng aming nasasakupan,” saad pa nito.

Nakasama rin ni Mayor Robes ang iba’t ibang Punong Lungsod at Bayan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, at nagbigay ng kaniyang pananalita si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr.

“Muli, ang parangal po na ito para sa inyong lahat aking Pamilyang San Joseño! Tuloy ang pag-arya,” pagtatapos ni Mayor Robes. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments