ANO itong nag-viral sa social media na “ sex scandal” ng isang barangay captain sa lungsod ng Calaca na kalat na diumano sa naturang lungsod.
May nagpadala sa inyong lingkod na kopya ng nabanggit na scandal video ng kapitan na talaga namang may kabastusan at kahalayan.
Alam ng umano ni Mayor ang nasabing scandal pero wala naman daw itong ginagawang hakbang. Isa itong imoralidad na nakakasira ng imahe ng Calaca.
Merong nasagap na balita and ALA BIRA na bata daw ito o kapartido ni Mayor. Hehehe… ganyan talaga kapag bata mo libre gumawa ng kahalayan at kapag kalaban ka TAPOS KA!
MASUWERTE ang mga residente ng Paniqui, Tarlac dahil nabigyan sila ng tulong mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pangunguna na PCSO Dir. Jennifer Guevarra.
Ang tumanggap ng tulong ’eh, ang mga benepisyaryo sa Eduardo Cojuangco gymnasium. Nagbigay din ng scholarship assistance sa mga mag-aaral sa nasabing bayan.
Dito naman karamihan sa iba’t ibang bayan sa Unang Distrito ng Batangas, partikular sa lungsod ng Calaca, ginagawa namang hanapbuhay ang PCSO ng mga nagsulputang STL BOOKIES na halal pa ng bayan diumano ang mismong kapitalista.
SANA SAMPULAN ITO NG AWTORIDAD GALING NASYONAL. BAKA HINDI KAYA NG LOKAL.
MULING pumunta sa inyong lingkod ang mga residente ng tabing dagat ng Calaca at inirereklamo ang mga nakatayong planta sa nasabing bayan na napakaingay diumano at mabaho.
Sa pamamagitan man sana ng ALA BIRA ay maiparating sa kinauukulan partikular sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ma-imbestigahan ang mga nasabing planta.
Nagsadya pa ang inyong lingkod sa opisina ng CENRO sa Calaca upang iparating ang nasabing hinaing ng mga apektadong residente, ngunit hindi ko nakausap ang kanilang head at nasa meeting diumano ito sa Batangas City.
Ang nakausap ko ay isang Juvy Reytiran, information officer ng nasabing opisina at ayon sa kaniya hindi sila puwedeng magsalita lalo pa sa media tungkol sa mga hinaing. Isa daw itong “protocol” ng nasabing ahensya.
PATULOY ang paghalimuyak ng amoy ng pulitika sa probinsya ng Batangas, at tuloy na tuloy ang pagtakbo sa pagka-gobernador ni Mataas na Kahoy Vice Mayor Jay Manalo Ilagan.
Tuluy-tuloy umano ang ginagawang pagtulong nito sa mga taga-Batangas at kamakailan lang ay naglunsad pa ito ng libreng operasyon sa katarata.
Namimigay din si Vice Mayor Ilagan ng libreng wheelchair at makipag-coordinate lng kay dating Balayan Vice Mayor Cocoy Ramos..
Kaya lang may nakarating na balita sa ALA BIRA na nagsalita diumano ang isang mayor sa Unang Distrito ng Batangas na malaki na ang 10,000 boto na makukuha ni Ilagan sa kanyang nasasasakupang bayan.
TALAGANG ANG PAKIRAMDAM NG MAYOR NA ITO AY SIYA NA ANG DIYOS NG NASABING BAYAN..SABAGAY BAKA PERA ANG KAHINAAN NG MAMAMAYAN..NAPAKARAMING PERA NITO. HEHEHE… (UnliNews Online)