Tuesday, February 4, 2025
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsAng pasasalaula sa kaisipan ng isang menor de edad

Ang pasasalaula sa kaisipan ng isang menor de edad

ISANG nanay, na nasa 30 anyos pataas, ang inireklamo ng isang kinse anyos na lalaking high school student na lagiang pinapadalhan siya ng nasabing nanay, ng mga “sweet notes” sa kanyang Facebook Messenger.

Batay sa ulat na ipinadala sa Katropa ng nabanggit na opisyal, ang sinasabing nanay ay labis na humahanga at may pagnanasa sa batang lalaki.

“Isang ginang ng tahanan ang nagkaroon ng paghanga sa isang batang teenager, na may mas malalim pa sa paghanga ang nararamdaman, na halos kasing edad ng anak nya. Ito ay nalaman dahil ang mismong teenager ang nagbunyag, na sya ay pinapadalhan ng mga mensaheng nagpaparamdam ng pag-iingat, at paghanga ng nanay sa bata. Na kung saan ay dumating na sa puntong nagseselos na ang nasabing ina sa girlfriend ng teenager,” text message ng opisyal ng paaralan

Ayon pa sa ulat ay kinausap ng opisyal ng paaralan ang nanay na may anak din na nagaaral sa paaralan, na pinapasukan ng batang lalaki. Napag-alaman pa sa “text messages” ng nanay sa teenager na ‘crush’ daw niya ito, at kung ‘need’ na may kausap ay andito lang ako, sa mensahe ng nanay. Idinugtong pa na sabi ng nanay, na palagi daw sa isip ang batang lalaki.

Sa pagitan ng usapan ng opisyal ng paaralan at ng nanay, sinabi ng huli na ilalabas na lang niya ang kanyang anak sa paaralan, subalit tinutulan ito ng kanyang anak. Kaya binigyan ng paaralan ng “warning” ang nanay na dumistansiya siya sa teenager at ihinto na ang pagpapadala ng mensahe sa messenger ng bata.

Tsk! Tsk! Tsk! Mabuti na lamang at nagawan ng paraan ng paaralan na lutasin ang problema sa pagitan ng teenager at ng nababanggit na nanay. At kung ipagpapatuloy pa ng nanay ang kanyang kahibangan, sa lagiang pagpapadala ng mga sweet notes sa messenger ng bata, at dahil may kras siya sa bata at hinihikayat niyang siya ay kausapin, dahil laging nasasaisip niya ang teenager, ay posibleng swak siya sa isang krimen na sangkot ang isang menor de edad, dahil sa pagsasalaula sa kaisipan ng bata.

Maaari siyang kasuhan ng kriminal at kapag nagkataon na may mangyari sa kanilang sekswal ay matatawag na isang ‘sex offender’ sa buong buhay niya.

Ang isang tinedyer ay maaaring makaranas ng damdamin ng pagmamahal, ngunit hindi ito dapat humantong sa isang sekswal na relasyon, dahil imposibleng ibahagi ang pag-ibig at sekswal na pagnanais sa mga bata. Hanggang sa muli. (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments