Thursday, July 4, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAla BiraKapitan ng barangay na may ‘mahalay’ na sex-video, hindi na pinatatakbo sa...

Kapitan ng barangay na may ‘mahalay’ na sex-video, hindi na pinatatakbo sa nalalapit na halalan

HAYAAN ninyong sundan ko agad ang topic tungkol sa kapitan ng barangay sa lungsod ng Calaca na may mahalay na sex video na kalat na kalat sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, nagalit diumano si Calaca Mayor Nas Ona sa ginawang kahalayan ng isa niyang kapartidong kapitan ng barangay.

Pinahihinto na umano na ni Mayor Nas na kumandidato pa sa nalalapit na barangay election sa Oktubre ang mali_ _ _ na kapitan.

Nakakasira nga raw ito ng imahe ng nasabing bayan..YUN LAANG!

Dagdag pa nang ating source ay nagbanta daw diumano ang mayor na kung iba ang mananalo sa naturang barangay, sa madaling salita ay opposition o kalaban ay HINDI DIUMANO MAKAKATANGGAP NG AYUDA.

Aba kung totoo ito, Nakupooo, ayan na naman tayo eh. Ganyan na naman, katulad ng nakaraang kasagsagan ng pandemic, ANG MGA OPPOSITION AY NGANGA SA AYUDA. Hehehe.


Isang Japanese Cement Manufacturer, and Taiheyo Cement Corp. ang namuhunan ng halagang P3.9 bilyon cement terminal sa Calaca City.

Ito yung sinulat ko noong mga nakaraang issue ng ALA BIRA. KAUNLARAN KAPALIT NG KALUSUGAN.

Kasabay nang kaunlaran ’eh, ’di patuloy na pagyaman ng mga mayayaman na. Pagdami ng pera ng marami ng pera at posibleng umulan na naman ng GOODWILL MONEY. Suwerte naman, para lang namumulot.

Ang iba ay na walang pambili ng bigas. ILANG BAGA O LUNGS NA NAMAN ANG WAWASAKIN. Abangan ang susunod na kabanata!


KAWAWA naman ang 45 estudyante na nagaaral sa bayan ng Tuy, Batangas na nakalanghap ng tinatawag na volcanic smog na nagmula sa Bulkang Taal..

Ayon sa ulat nakaranas ang mga estudyante ng hirap sa paghinga at pananakit ng dibdib noong nakaraang Huwebes (Sept 21) at dinala sila sa Rural Unit ng nasabing bayan para sa agarang lunas.

PARA SA MGA KINAUUKULAN… Sana naman ay huwag na nating hintayin pa na mayroong mangyaring sakuna lalo pa at mga menor ang sangkot sa usapin. Pauwiin na agad ang mga batas sa kani-kanilang mga tahanan upan maiayos na agad ng magulang ang mga dapat gawin. Iba ang pag-aalaga ng mga magulang. (UnliNews Online)

Bayani H. Alamag
Bayani H. Alamaghttp://unlinews.org
Bayani Hernandez Alamag was born and raised in Calaca, Batangas. A former writer/correspondent of Philippine Journalists’ Incorporated (publisher of People's Journal, People's Tonight, and Taliba). Presently, he is a reporter for REMATE, a national tabloid newspaper, and a columnist for A-1 INFO. Alamag is also a publisher of The TRUTH, Batangas provincial newspaper and he is a member of the National Press Club (NPC).
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments