Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsMga atletang Malolenyo, pinarangalan

Mga atletang Malolenyo, pinarangalan

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan –Pinarangalan at kinilala ng Pamahalaang Lungsod ang mga atletang Malolenyo na nagpamalas ng galing at husay sa larangan ng pampalakasan noong Lunes (Sept. 25).

Ang mga Malolenyo na nakatanggap ng parangal para sa husay at galing pampalakasan mula Pamahalaang Lungsod ay sina Joanne Pauline Tan at Dominick Fajardo.

Si Joanne Pauline Tan na mula sa Brgy. Mojon ay nagkamit ng gintong medalya sa Jiujitsu Thailand Open Grand Prix 2023 para sa 70 kilogram category noong ika-21 ng Mayo 2023 at isa pang gintong medalya sa Jiujitsu World Beach Championship 2023 sa 70 kilogram category noong ika-02 ng Setyembre 2023.

Si Dominick Fajardo na mula rin sa Brgy. Mojon ay pinarangalan dahil sa kanyang pagkakapili para sa taunang Rookie Draft 2023 ng Philippine Basketball Association (PBA) ng kupunang NLEX Road Warriors noong ika-17 ng Setyembre 2023 na ginanap sa Ayala Mall, Market Market, Taguig.

Patunay ang dalawang atleta na ito na ang pagbibigay ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos na ang suporta sa sektor ng pampalakasan ay tunay na nakatutulong sa paglago sa kakayahan ng mamamayan ng Malolos, muli pagbati.

Dumalo sa pagbibigay ng parangal sa mga atletang Malolenyo sina Mayor Christian D. Natividad, Vice Mayor Miguel Alberto Tengco Bautista, mga konsehal na sina Troi Aldaba, JV Vitug, Ayee Ople, Niño Bautista, Kon. Noel Sakay, at mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments