Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsKaligtasan ng 30,000 estudyante ng BulSU sa Malolos, tiniyak ni Natividad

Kaligtasan ng 30,000 estudyante ng BulSU sa Malolos, tiniyak ni Natividad

LUNGSOD NG MALOLOS – “Ang kaligtasan ng humigit-kumulang 30,000 estudyante ng Bulacan State University ang pangunahing prayoridad ng pamahalaang lungsod,” ito ang pagtitiyak ni City Mayor Atty. Christian D. Natividad sa bagong halal na BulSU o BSU president na si Dr. Teody C. San Andres.

Ginawa ni Natividad ang pahayag sa isinagawang courtesy call ni San Andres sa Malolos City Hall kamakailan bilang bahagi ng tribute tour ng BulSU president sa mga local government units sa probinsiya na nagho-host ng BulSU campuses.

Ang lungsod ng Malolos ay tahanan ng pangunahing kampus ng BulSU, katabi ng Bulacan Provincial Capitol, kung saan ang populasyon sa araw na 25,000 hanggang 30,000 mag-aaral ay gumagala sa loob at labas ng lungsod mula madaling araw hanggang alas-9 ng gabi.

Lima pang kampus ang matatagpuan sa Lungsod ng San Jose Del Monte (Sarmiento Campus); Hagonoy Campus; Bustos Campus; Bulakan (Meneses Campus) at ang bagong pinasinayaan na San Rafael Campus sa kahabaan ng Plaridel Bypass Road.

Sa kasalukuyan, ang BSU o BulSU, ay may halos 50,000 kabuuang populasyon ng estudyante, isa sa pinakamalaking enrollment sa mga state colleges and universities (SUCs) sa labas ng Metro Manila. Nagsimula ito bilang Bulacan Trade School (mula 1904 hanggang 1953); at binago sa Bulacan National Trade School (mula 1953 hanggang 1957). Nang maglaon, nang umabot sa mahigit 5,000 ang populasyon ng mga mag-aaral noong unang bahagi ng dekada 70 hanggang dekada 80, nakilala ito bilang Bulacan College of Arts and Trade (BCAT) mula 1965 hanggang 1993.

Noong Disyembre 30, 1993, nilagdaan ng dating Panulo na si Fidel V. Ramos ang Republic Act 7665, ang batas ay nag-formalize ng conversion ng BCAT sa ‘Bulacan State University’ sa pamamagitan ng House Bill na inakda ni dating Congressman Atty. Teodulo Natividad (1st District of Bulacan), ama ng incumbent city mayor.

Si San Andres ay residente ng Brgy. Culianin, Plaridel, ay magsisilbing ikaapat na pangulo ng unibersidad at sa loob ng apat na taon. Siya ay pinili ng BSU-Board of Regents na pinamumunuan ni Commission on Higher Education (CHEd) Commissioner Ronald Adamat kasama ng dalawa pang kandidato sa pagkapangulo, sina Dr. Reynold Campo at Dr. Marwin Dela Cruz.

Bago siya mapiling pangulo, nagsilbi si San Andres bilang executive vice president ng BSU at kasabay na dekano ng Graduate School. Nakuha niya ang kanyang Doctorate Degree sa Philippine Normal University sa Manila.

Ayon kay San Andres na agad niyang tutugunan ang kakulangan ng mga silid-aralan na madalas na inirereklamo ng mga mag-aaral at propesor sa BSU main campus na kadalasang nagreresulta sa pagdaraos ng mga klase sa gabi para sa ilang mga departamento sa kolehiyo.

Source: Orlan Mauricio

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments