MULING nakatanggap tayo ng ulat mula sa ating tagasubaybay na isang opisyal ng isang paaralan, na ayaw pabanggit ang kanyang pangalan. Ipaliliwanag niya ang hinggil sa K to 10 curriculum. May mga nagtatanong kung ano daw ba ito?
Narito po: Ang K to 10 curriculum na kung tawagin ay Matatag kurikulom, kung saan ang layunin nito ay upang mabawasan ang overcrowded curriculum, dahil kung sa ngayon meron tayong walong subjects ito ay magiging limang subjects na lamang,
At ito ay magsisimula muna sa basic knowledge kasama ang GMRC. Dahil sa nakikita natin ngayon na nagiging tamad na ang mga bata, at kakaunti na lang ang magagaling sa pagbabasa at pag-solve ng mga math problems.
Kaya tayo ay nahuhuli o mababa, compare sa ibang bansa pagdating sa academics. Ito ay naka-focus sa language, reading, literacy, mathematics, GMRC at makabansa. Ito ang mga subjects na maiiwan at maari ito magsimula sa isang taon at unti-unti, o hindi agad-agad bawat taon. Sa ngayon ang pilot testing ay public school,” ulat ng nasabing Opisyal.
Tsk! Tsk! Tsk! Mabuti kung ganoon, atleast kung ano lang ang mga pangunahin at agad na makatutulong sa mabilisang pag-aaral ng bata, ay iyun ang dapat na ituro. Salamat po Gng. Opisyal, nawa ay lagian kang magpadala ng ulat tungkol sa edukasyon,
Hinatulan agad ng taumbayan
DUMAKO tayo sa sinapit ng isang magandang babaeng Security Screening Officer, na nakuhaan ng CCTV Camera, na may isinubong bagay, at pilit na nilulunok, ipinasok pa ang daliri, upang itulak ang nasabing bagay, at sinundan ng paginom ng tubig, para malulon? Lumalabas sa mga ulat sa Social Media na ito daw ay ang nawawalang 300$, perang papel mula sa isang Instsik na pasahero, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA.)
Kinumpirma ng Office for Transportation Security (OTS) Administrator Ma. O Aplasca, na natanggap ng kanilang tanggapan, noong Biyernes, ang counter-affidavit ng babaeng akusado, na naunang nagsabing tsokolate at hindi dollar bills ang kanyang nilulunok nang makita siya sa CCTV.
Tsk! Tsk! Tsk! Isang pangyayari na nakahihiya kung mapapatunayang inari nga niya ang hindi kanyang pera. Subalit sa husga na lumalabas sa Social Media ay hindi pumapabor sa babaeng akusado, na lumalabas ang 300$ ay kanyang ninakaw, dahil kita nga ang nakatuping bagay na pinipilit niyang lunukin?
Malaking kasiraan ang maidudulot nito sa katauhan ng mga Pilipino, higit sa imahe ng Pilipinas. Posibleng isipin ng mga Turista na sa pwertahan palang ng bansa ay may mga ganitong pangyayari, ano pa kaya kung nasa loob na sila.
Sa isang banda, hindi pa man umaamin at hindi pa nahuhusgahan ng Korte, ang sinasabing akusado, ay nakalalasap na siya ng hindi magandang turing mula sa mga taumbayan.
Kung siya nga ay napatunayang nagkasala ng krimen sa pagnanakaw, ang paghatol ay maaaring magresulta sa maraming kahihinatnan, kabilang ang mga multa, pagkakulong, probasyon, at isang kriminal na rekord. Higit pa rito, ang isang kriminal na rekord ay maaaring magkaroon ng malubhang epekto, na makakaapekto sa nalalabing buhay pa ng nasabing akusado. Hanggang sa muli! (UnliNews Online)