SAN ILDEFONSO, Bulacan — Nasa 100 farm workers at youth farmers na na sinanay sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kabilang sa isinagawang mass graduation noong Martes (Sept. 26) sa Joyful Garden Farm, Brgy. Mataas na Parang sa nasabing bayan.
Binati ni Bise Gobernador Alexis C. Castro, bilang panauhing pandangal ang mga magsasakang Bulakenyo na nadagdagan ang kaalaman sa pagtatanim at pagsasaka upang makatulong sa pagsisimula ng kanilang hanapbuhay sa industriya ng agrikultura.
Hinimok ng bise gobernador ang mga nagsipagtapos na ibahagi ang kanilang natutunan sa iba upang mapabuti ang produktibidad ng kanilang mga sakahan.
Aniya, malaki ang maitutulong ng mga kasanayang ibinibigay ng TESDA sa mga magsasaka ng Bulakenyo sa pagsisimula ng kanilang sariling negosyo sa agrikultura at pati na rin mapalakas ang food sustainability ng bansa. (UnliNews Online)