Tuesday, July 2, 2024
Amana Water Park
HomeShowbiz‘8 years old pa lang si Andrea, kilala ko na siya’ --...

‘8 years old pa lang si Andrea, kilala ko na siya’ — Sylvia Sanchez

EIGHT years old pa lang si Andrea Brillantes ay kilala na siya ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez.

Ayon kay Ibyang, ang laki na raw nang naging transformation ng young actress.

“Ngayon, sa sinasabi niya na nung sobrang down siya, nandun ako, nandun ang pamilya ko, nakita ko yun… Kasi, di ba, sabi ko sa iyo ‘Nak dati, maging matapang ka, kasi walang ibang tutulong sa iyo kundi sarili mo…

Ang layo ng Blythe na kilala ko na eight years old sa Blythe ngayon, at natutuwa ako.”

Ayon sa mahusay na aktres, bata pa lang si Andrea ay malapit na sa pamilya Atayde ang Kapamilya actress.

Aniya, “walong taong gulang pa lang si Andrea ay madalas na itong dumalaw sa bahay.”

“Si Blythe kasi, ang relasyon namin ay hindi lang sa showbiz,” ani Ibyang.

Patuloy niya, “Eight years old siya sa E-boy, at mula eight years old siya ay pumupunta siya sa bahay at naging barkada niya si Gela kaya sila naging close.

“Ngayon, sa sinasabi niya na nung sobrang down siya, nandun ako, nandun ang pamilya ko, nakita ko yun.

“Ngayon, tuwang-tuwa ako sa iyo. Kasi, di ba, sabi ko sa iyo ‘Nak dati, maging matapang ka, kasi walang ibang tutulong sa iyo kundi sarili mo.

“Nandiyan ang barkada, puwedeng sabihan, nandiyan ang pamilya… Di ba, sinasabihan kita iiyak lang sa Diyos yung mga pasakit na nararamdaman mo?”

Pinayuhan din ng aktres si Andrea kung paano harapin ang bashers.

“Yung mga bashers, wag mong intindihin ang mga yan, bashers lang yan.

“Maganda, pangit ang gagawin mo, nandiyan sila. Haters lang ang bashers, wala silang kuwenta sa buhay natin.”

Proud si Sylvia na makitang nag-mature na si Blythe ngayong dalaga na ito.

Magkasama sina Andrea at Sylvia sa Senior High kung saan introducing si Gela na anak ni Sylvia at kaibigan ni Andrea. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments