LUNGSOD NG MALOLOS — May kabuuang 333 micro rice retailers sa Bulacan ang tumanggap ng tig P15,000 na cash assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Interior and Local Government (DILG) noong Friday (Sept. 29).
Ito ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP)-Cash Assistance for Micro Rice Retailers na tugon ng ahensya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga maliliit na negosyanteng apektado ng implementasyon ng Executive Order (EO) No. 39 o ang pagpapatupad ng price ceiling sa bentahan ng regular-milled at well-milled na bigas.
Ayon kay DTI- Region III Officer-in-Charge at DTI-Bulacan Provincial Director Edna Dizon, dumagdag ang 289 na bagong benepisyaryo sa naunang 44 na napagkalooban ng tig-P15 libo.
Dumaan rin aniya sa beripikasyon at profiling ang mga micro rice retailers.
Ito ay tulong pinansiyal na ipinabigay ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. sa mga kwalipikadong micro rice retailers habang umiiral ang P41.00-45.00 price cap sa Bigas bunsod ng pagtaas ng presyo.
Patuloy na magkakaloob ng cash assistance habang umiiral ang Executive Order 39. (UnliNews Online)
Source: PIA Bulacan