Saturday, December 14, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsTumatakbong kapitan ng brgy, 4 na iba pa huli sa shabu sa...

Tumatakbong kapitan ng brgy, 4 na iba pa huli sa shabu sa Malolos

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Arestado ang kandidato sa pagka-kapitan ng barangay at apat na iba pa kabilang ang isang babae sa operasyon kontra iligal na droga sa Barangay Sumapang Bata sa nasabing lungsod Martes ng gabi (Oct. 10).

Sa nakalap na ulat ng UnliNews Online bandang alas-11:55 ng gabi ng ilatag ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malolos City Police Station ang isang buy-bust operation sa nasabing barangay na nagresulta ng lima katao kabilang ang tumatakbong kapitan ng barangay na pawang residente na naturang barangay.

Nakumpiska sa mga suspek ang 6 na plastic sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 25 gramo at nagkakahalagang P170,000 bukod pa sa assorted drug paraphernalias at buy-bust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang pagsusuri, habang ang mga reklamong kriminal para sa mga paglabag sa R.A. 9165 laban sa mga suspek ay inihahanda na para sa pagsasampa sa korte.

Ang dedikadong pagsisikap ng pulisya ng Bulacan laban sa lahat ng uri ng kriminalidad ay naaayon sa patnubay ni Brig. Gen. Jose Hildago Jr., PRO 3 regional director. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments