Thursday, July 4, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionStrikerSerbisyong kumPLEYTO ni Cong. Ka Ador, tuloy ang arangkada

Serbisyong kumPLEYTO ni Cong. Ka Ador, tuloy ang arangkada

SA mahigit isang taong panunungkulan ni Congressman Salvador “Ka Ador” Pleyto pinatunayan niya na hindi nasayang ang tiwala ng mga mamamayan sa Ika-Anim na Distrito ng Bulacan dahil sa unang arangkada palang ay samut saring proyektong magtataguyod sa kabuhayan ng mga mamamayang walang hanapbuhay o walang trabaho na pinagkalooban ng livelihood project.

Bukod sa mga livelihoods ay binigyan pansin ni Cong Ka Ador, ang mga pagawain sa naturang distrito na matagal nang hindi nabigyan ng pansin ng ilang nanungkulan para mabigyan ng proteksyon ang buhay at kaligtasan ng mamamayan lalo na sa pagbaha sa kanyang nasasakupan.

Ang hindi matatawaran kay Cong Ka Ador ay kanyang naising alisin ang anumang kulay pulitika upang maging tuloy-tuloy ang mga mahahalagang proyekto na makakatulong sa lahat ng mamamayan na makapaghatid ng tamang serbisyo mag aangat ng antas ng mabuhayan ng mahihirap na mamamayan lalo na ang usapin sa kalusugan na dapat ay mabigyan ng kalingang pangkalusugan.

Kanya ring bibigyan pansin ang mga kabataang estudyante na mabigyan ng Educational Penancial Assistance na tutugon sa buong taong pagpasok sa paaralan. para magkaroon ng magandang kinabukasan ang lahat ng kabataan sa Ika-Anim na Distrito na magabayan sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Kaakibat din sa paggabay sa mga nagtapos sa kolehiyo ay ang pagbibigay ng trabaho sa pamamagitan ng jobs fair na magbibigay ng ganap na katuparan sa mga pangarap ng mga kabataang magkaroon ng magandang buhay sa pamamamagitan ng kanilang pagtatrabaho upang makatulong sa kanilang mga magulang na maitaguyod ang kanilang kapatid na nag-aaral din.

Iyan ay ilan lamang sa Serbisyong KumPleyto ni Congressman Salvador “Ka Ador” Pleyto na hindi lingid sa karamihang mamamayan ng Ika-Anim na Distrito na hindi tumitigil ang kanilang Kinatawan sa Kongreso na bukod sa mahalagang batas na makakatulong sa kapakanan ng mamamayan at sa mga bayang kanyang nasasakupan.

Ayon pa sa ilang mamamayan sa Ika-Anim na Distrito kanilang pinagdadasal ang kalusugan ng kanilang Kinatawan para higit na maipagpatuloy ni Cong Ka Ador ang kanyang mga magagandang plano para sa kanyang nasasakupang pinaglilingkuran dahil hindi hadlang ang kanyang idad para matupad ang matagal nang pangarap na makapaglingkod sa mamamayan at magamit ang kanyang husay at galing bilang mahusay na lingkod bayan. (UnliNews Online)

Louie C. Angeles
Louie C. Angeleshttp://unlinews.org
LUISITO “Louie” C. Angeles is a news reporter for DWIZ 882 AM and also an anchorman of Serbisyo, Trabaho sa Radyo @ 09.3 FM Radyo Bandera Central Luzon. Louie is also a columnist reporter for REKTA Balita and The Central Chronicle and a former radio reporter for DWIZ, DZRB, and DZRV Radio Veritas. Born and raised in Bocaue, Bulacan, Louie is currently the national president of the PAPER.Ph -- Prime Alliance of Publishers, Editors and Reporters Inc.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments